Chapter 17

17.2K 200 142
                                    

A/N: Posibleng marami nang galit sa akin sa matagal na hindi pagpaparamdam. Sorry po talaga. Super sorry. I've been in to too much stress, depression or what because of studies and stuffs. Di ko kayo nakalimutan guys. Sadyang hindi ko lang nabubuksan account ko but I already have some of the chapters na narevise ko na though yun nga, di ko lang napopost. I love you & sorry po! Mwah :*

--- ----- ----

Sophia's POV

Binuksan ko kaagad yung pinto kaso wala namang tao. Christmas na Christmas may nantitrip. Isasara ko sana yun pin-

“Wa-wait lang!”

Sabi nung tao na hinarang pa yung kamay dun sa may pinto. Phew. Buti na lang hindi ko naipit ng tuluyan. Binuksan ko yung pinto para makita kung sino yun at O_O

Di ko siya ineexpect. Diba magkagalit kami? Ba't nandito si Charles? No way! Gusto ko siyang pagsarahan ng pinto pero di ko alam bakit di ko magawa. Ilang minuto kaming nakatayo dun. Nagkatitigan lang. Walang nagsasalita sa amin. Tapos maya maya, nagsalita si Charles.

“H-hi” Sabi ni Charles sabay yuko

“Uh, h-hi din.” Sagot ko

There’s an awkward silence between us. Nabasag na lang ang katahimikan ng dumating si Mommy sa may pinto.

“Oh dear, sinong bisita natin?” Tanong sa akin ni Mommy

Hindi pa kasi fully opened yung door kaya hindi ganun na nakikita yung taong nasa labas ng pinto.

“Ah, kaibigan ko po, si Charles.” Sabi ko

Binuksan ko na yung pinto tapos pinapasok ko na si Charles.

“Hijo, upo ka diyan or gusto mo sa dining area na? May nakahanda kaming pagkain, kain ka.” Sabi ni Mommy na nakasmile pa.

“Thank you po Ma’am.” Sagot ni Charles

“Call me Tita Sonia. I prefer it that way since kaibigan mo naman si Sophia.” Sagot ni Mommy

Sige na, ako na OP.

“Sige po Tita.” Sagot ni Charles

“Ay dear, I have to go to the garden. Asikasuhin mo na lang muna yang kaibigan mo ha?” Sabi sa akin ni Mommy sabay diresto sa back door papuntang garden.

Ito na naman kami sa grabeng katahimikan.

“Ah, Charles, dun na tayo sa dining area. May pagkain dun.” Sabi ko

Tumayo na siya at sumunod sa akin papunta dun sa kainan namin. Naglabas ako ng plato, kutsara pati na rin tinidor. Kumuha na rin ako ng baso para sa kanya.

“Th-thank you.” Sabi niya

Nakaupo ako dun sa harap niya habang hawak yung MP3 ko. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita e. Walang nagbabalak sa aming magsalita kaya ito ako nakikinig ng music. Siya rin naman e, tahimik kumain. Nung natapos na siya, siya na mismo yung naglagay nung napagkainan niya sa lababo. Pupunta na sana ako ng garden nang maalala ko na wala pala siyang kakilala dun maliban kay Ate Shiena e baka ma-OP ‘to kaya ayun, sa sala na lang kami nag-stay. Umupo siya dun sa mahabang couch samantalang ako dun sa pang-isahang upuan lang.

“Sorry./Sorry.” Sabay naming sabi ni Charles                              

Tingnan mo ‘to, kung kailan ako naglakas loob magsalita, sumabay naman siya. Buhay nga naman o.

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon