Chapter 9 Part 2

22.1K 217 91
                                    

Nathan’s POV

I’m sure you know me so I don’t need to tell many things about me. I’m quiet, and I don’t speak too much. I think before I speak. Alam kong alam niyo ang ganung ugali ko. Alam kong kilala niyo na mga kaibigan ko. Siguro tama na yan para sa pagpapakilala ko.

*flashback*

Paakyat na ako ng hagdanan para puntahan si Mrs. Torres kaso napansin kong namali yung tapak ni Sophia sa hagdan. Mga ilang hakbang pa ang layo ko sa kanya pero dahil napansin ko yun, napatakbo na lang ako papunta sa kanya para saluhin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bakit kailangan kong gawin yun. Wala naman dapat akong pakialam e kasi malayo naman siya kaya hindi ko na maisisisi sa sarili ko kapag nahulog siya. Nasalo ko na siya kaso ako naman naout-balance. Hindi ko naman kasi inaasahan na medyo mabigat siya kasi nga hindi naman siya matabang tingnan. Kamalas-malasan nga naman o, pagkatumba namin, nadaganan niya yung right arm ko.Sht, ang sakit! Buti na lang at natauhan na ‘tong taong ‘to maya maya kasi kung hindi pa, baka lalo pang lumala pagkasakit ng wrist ko.

“Are you alright?” Sophia

Tae. Sa lagay ko na ‘to ngayon, mukha ba akong okay?

“Do I look like I’m fine?” Nathan

Hindi ko naman ugali ang pambabara pero kung napaka-non sense tanong niya aba malamang naman, mababara mo na lang siya ng hindi inaasahan.

“Ah, dalhin na lang kita sa clinic.” Sophia

Hindi ko na siya sinagot kasi napansin kong nandun na sila Jarred malapit sa amin.

“Hey dude, what happened?” Jarred

“Nahulog kasi ako tapos sinalo niya ako kaso namali bagsak namin.” Sophia

Sige, siya na si Nathan.

“O pare, anong nangyare sa wrist mo?” Raimond

“...” Ako

“Patay tayo diyan ‘tol. Makapaggitara ka pa ba niyan? Paano banda mo niyan? Tsk.” Eric

“Tsk. OA.” Ako

Sprain lang naman siguro ‘to kaya gagaling pa naman ‘to kaagad.

“Sorry Nathan.” Sophia

“Your sorry wouldn’t change a thing” Nathan

 Totoo naman e, wala namang magagawa ang sorry ng tao e. Bakit, pag nagsorry ka ba sa nagawa mong mali, mababago ba nun yung pagakakamaling nagawa mo, diba hindi? Tumayo na ako at naglakas papalayo. Ang sakit talaga ng wrist ko. Nagpaalam na ako sa principal kung pwedeng pumunta sa ospital para ipacheck kamay ko, binigyan na ako ng slip para makalabas ng school. Sa parking lot, nandun yung sasakyan ko pero dahil wala pa ako sa legal na taon, may driver ako. Tinawagan ko na si Mom na pupunta akong ospital dahil sa wrist ko. Sabi niya sasama siya, kaya dumaan na lang muna kami sa bahay para sunduin si Mom. Nagpacheck-up na ako at sabi ng doktor, hindi naman malala yung pagkasprain. Tinanong ko kung makakapaggitara pa ako, sabi niya, after a week or two, magiging okay na rin naman kamay ko.Bumalik ako sa school kasi boring sa bahay. Nandun ako sa likod ng school tumambay. Basta, may mga puno dun tsaka madaming grass sa paligid. Sumandal ako sa puno tsaka nagpahangin. Maya maya, naramdaman ko na lang na may parating, si Sophia pala. Hindi niya ata ako napansin nung una e. Kasi nagsalita ba naman mag-isa. Nag-usap kaming dalawa. Hindi naman matagalan kasi hindi na ako palasalita ngayon. Umalis na lang ako bigla nung binanggit niya yung topic na sa gig. Tss.

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon