Chapter 16

18K 195 95
                                        

A/N: Sa mga taong tumulong sa chapter na ‘to. THANK YOU SAGAD TO THE BONES. Thank you @sikretoparabibo, @MelodyOfHeart, @RimeeCarmella, & @Yobaboyy for contributing your ideas. Hihi. Loveyou guys! :)) Anyways, ENJOYYY!

Sophia’s POV

Nandito ako sa bahay at nagpapahinga. Hindi ako inallow nila Daddy and Mommy na pumunta kahit saan ngayong Christmas Vacation. Nalaman kasi nila e.

*flashback*

Nakarating na ako sa bahay at nagbayad ng pamasahe. Binuksan ko kaagad yung gate at pumasok. Nagulat ako, nandun si Mommy and Daddy na alalang alala na. Bigla na lang akong napayakap sa kanila at nag-iiiyak. Alam kong wala silang kaalam alam ng mga oras na ito kung bakit ganun ako umiiyak pero maya maya din, nagtanong na si Daddy.

“Sophia, anong nangyari?”

Umiiyak pa din ako at hindi makapagsalita.

“Sophia, anak, okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Alam mo bang kabadong kabado kami ng Daddy mo dahil hindi mo sinagot phone mo? Tapos hindi ka man lang nagpasundo sa driver natin.” Sabi ni Mommy

“Sophia, uminom ka muna ng tubig at mag-explain ka sa amin ng mommy mo. Naiintindihan mo ba?” Sabi ni Daddy

Ininom ko muna yung tubig tapos pumasok sa loob. Umiiyak pa rin ako pero hindi na ako humahagulgol katulad kanina. Nung medyo okay na ako, nagstart na akong magkwento. Nagulat si Mommy pati na rin si Daddy sa sinabi ko. Napayakap agad si Mommy sa akin at alam kong mangiyakngiyak na siya. Si Daddy hindi na maipinta ang mukha.

“Juskopo Sophia. Dadalhin ka namin ni Daddy sa ospital. Halika na.” Sabi ni Mommy

“Mommy, okay lang po. Magpapahinga na lang po ako.” Sabi ko

“Hindi Sophia! Pupunta tayong ospital. Kita mo o, may sugat ka pa sa mukha!” Sabi ni Mommy ng pasigaw

Alam kong naghahalo yung galit at takot kaya napasigaw si Mommy.

“Mommy, dito na lang po ako. Mas safe dito.” Sabi ko

“Naaalala mo pa ba mukha nung mga t*r*nt*dong yun?!?” Sabi ni Daddy na galit na galit

“Opo Daddy.” Sabi ko

“Ipapapulis natin sila! Mga walang hiya yung mga yun.” Sabi ni Daddy

“Daddy, wag na po. Marami pa po kayong dapat asikasuhin. Madadagdagan pa po problema niyo kung ganun.” Sabi ko

“Hon, maghire na lang tayo ng bodyguard ni Sophia.” Sabi ni Mommy

“Mommy, di na po kailangan.” Sabi ko

“Good idea Hon. Sa pasukan, may personal bodyguard ka na. Pati Ate mo. Ngayong bakasyon mo, dito ka lang sa bahay. Hindi ka pwedeng lumabas.” Sabi ni Daddy

Nakipagtalo pa ako kay Daddy about sa bodyguard thingy na yan at buti na lang pumayag sila na huwag nang ituloy kaso ang deal namin, school-bahay muna ako hanggang matapos ang SY na ‘to. Okay lang naman yun since hindi ako pala-gala.

*end of flashback*

Ilang araw na ang nakalipas pero nandito pa rin ako nakakulong sa bahay. Matapos yung insidenteng yun, nagsipuntahan sila dito sa bahay.  Nung mismong gabi na umuwi ako, nakarating agad kay Nathan yun at dali dali namang dumiretso sa bahay namin. Napakalma niya ako nung mga oras na yun kaya hanggang makatulog ako, binabantayan niya ako tsaka lang siya aalis. Araw-araw nandito yun sa amin. Kinabukasan naman nung nangyari yun, pumunta na yung barkada sa amin. Hindi ko alam pero ayokong pansinin si Charles. Kahit nandun siya, hindi ko siya kinakausap o pinapansin man lang. Nakahalata ata sila pero hindi na sila nagtanong sa akin kung bakit. One thing is for sure, naiinis ako sa kanya pag nakikita ko siya.

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon