Chapter 6: Pers Taym, Part 2
Paglabas ng paglabas ni monmon sa bahay, ayun nagkagulo na naman. Dahil sa sobrang pag ispazz ng ating mga bida kay monmon, di nila napansin na naku...nasusunog na ang kanilang mga niluto.
“Hmmm...may amoy sunog na ah. Naooverheat na yata laptop ko.” Grace, auti dearest. Lumingon ka! 180 degrees! Nasa likod mo! Ang niluluto mo!
“Aaaahhhhh! The food, the food!!! Iie......Donna...agh.” Wow, iba si Ana magpanic, nag iingles! At may hapon pang nasasama.
Back to phase one na naman. Haay naku.
Nakapahinga na finally ang ating mga friendly friends sa kanilang pagluluto. At last. Natapos din nila ang kalembang na dishes na yun. Hinayupak, sa susunod itatakeout na ang nila sa makdu ang dongbang kesa magluto!
“Haaayyy...ano na bang nangyari sa akin...writer ako...bat ako naging alila?!” Ha, si eme hindi pa pala talaga nawala ang galit kay tintin. Oh yesh. One of these days, baka may magawa talaga tong si Eme kay tintin. [dapat ba natin tong gawing r-18 for violence?] Nagtataka nga ako kung bakit tinawag na death glare eh hindi naman sha namamatay.
Si Grace, bumalik na ang pag ka auti. Paano nga ba siya naging auti? Biglaan naman kasi eh. Eh yun, tumitingin na naman sa labas ng bintana, at nirerecite yung poem na “The Tree” habang nakatitig sa isang puno na wala namang dahon. [fall, diba?] Gracious miyo, loka na talaga. >_<
Ipipikit na sana ni Kai ang kanyang mga mata nang nagring ang phone sa kusina.
“Aish. Istorbo.” Nag rereklamo pa si lola. Kaya poor caller. Medyo nasigawan ng konti. Bad move, Kai. Very bad.
“Yeobosaeyo??!!!” At humikab pa ito. Ang laki na ng bibig ni kai, at bigla itong nag freeze sa kalagitnaan ng paghihikab. Hahaha, naiimagine nyo ba? Hello,langaw! May bahay ka na! Amoy breath freshner pa yan ah! Biglang nag bow si Kai [WTF, nag bow sha sa wall?] “Ah, yes, Junsu-ssi.” WAW! Si Junsu tumatawag? Bakit kaya? Kinukumusta ang kanyang irog? [ang soccer ball, di si kai. Naiwan kasi nya eh. *pinatay ni Kai*].
Napatingin ang apat kay Kai. Si junsu kamo? Tumatawag? Uyyy…
-------------------------- junsu’s line --------------------------------
[Korean to ha...]
“Ah, yes, hello? Errr...We were just wondering if you’re done with our food? We are getting very very hungry here.”
Ano??? Ano daw??? Parang namumula na ang kamay ni Kai sa kakahawak sa telepono. Masyado na kasing mahigpit. Naiinis na yata eh. >.< ”Errr...Uh...yes. Weve finished it.”
“Yes? Really? That’s good! Now please bring the food over to Lotte World Department Store in Incheon.” Aba, demanding. Kahit na may please, demanding pa rin.
“Errr...”
“Oh. Right Lotte World is at 494 Guwoldong Namdonggu, Incheon. Okay? You got that? Okay then. Please come right away. Thank you!”
*click
Iba na ang titig ni Kai sa telepono na hanggang nayon ay di pa niya naha-hang.
“Ano daw sabi?” Wow, si Grace! Back to reality na muna sha!
“Yung pagkain. Ipapadala daw nila sa Lotte World. Incheon. NOW. ” mukha naman ni kai ang namumula. Ayan folks. Wag nyo galitin si kai. Masama. Masama talaga. So, please lang. Baka lagyan niya ng sampyung bote ng hot sauce ang pagkain niyo, nakow.
“ANO?! Ipapahatid nila ang pagkain sa Incheon? Namdonggu??? Are they joking? ” Eme, kalma lang.
“Namdonggu???” At nagmamadaling bunuksan ni tintin ang kanyang bag. Wow. May napakalaking folded road map si tintin ng korea! Ang astig! Geographica Goddess.