CHAPTER 27: LINTIK LANG ANG WALANG LATAY~!!
“Christine Rodriguez won via technical knockout!”
Pero ahem. Walang nagtaas ng kamay niya. Walang nagsabit ng belt sa balikat niya. Walang nagbuhat sa kanya, at lalong walang nagwagayway ng flag ng pilipinas.
Kung meron mang magwawave ng flag eh si Yunho yon. White flag. Suko na.
Parang sumigaw ng cut ang director ng Vacation [yes, after ng churva na red sun shoot eh Vacation naman ang kinunan for the boys] at nagfreeze lahat ng tao sa set. Ianalyze natin.
Si Tintin, nakatayo. Glaring. Kanino? Uh, kay Noona. Ay wait, kay Soo Yun (a.k.a Go Euna). Err, kay Jung Ah (a.k.a Woo Kyung Ah). Hindi pala. Kay Yunho. -_-
*sniff sniff*
“Juns-…wahhh~!!!!” hindi na niya tinuloy dahil baka sha ang matuluyan kaya umiyak na lang si Heebon habang mukhang binugbog at sinagasaan ng limang truck ang itsura niya. Yung punit ng damit niya makikita mo sa kamay ni Kai. May dugo dugo pa.
Si Ana nagpapagpag ng damit habang nakikipag staring contest maunang magblink mamamatay kay Mina (aka Jun Ka Young) na nilampaso din sa sahig.
Shet, ano itong blood bath na ito?
“What the hell happened-“
“SHUT UP!!!” sabay sabay nagsigawan ang ating mga P.A.’s na ating babansagang MGA-BABAENG-UMAALIGID-SA-DONGBANG KILLERS.
Errr, wanna know what happened…
Ok…time travel dahil nakakasukang tignan ang ating panimulang scene. XD
Alam niyo naman tong storya na to. Gantihan lang. Naseries of unfortunate events so Noona, malamang gaganunin niya din ang ating walang kamuwang muwang na mga bida.
[b]Conference Room ng SM.[/b]
“Yes, this will be aired in Yonsei University. For a week.”
Kasalukuyang may briefing ang TuHu kasama ang kanilang manager at si Tatay Soo Man at mga foreign objects este babae a.k.a leading lady para sa bago nilang project. May alien ding mga sabit sa loob a.k.a ating mga P.A’s na hindi tinigilan ng TuHu na magwhine hanggat di sila pinapasama sa loob. Huwaw.
“Miss Park, I think you are very much familiar with your role here. There wouldn’t be much of a problem with your work since you have worked with them before.” Banat ni Tatay Soo Man.
*vein pop*
Handa na sana si Kai na iflying kick si Heebon ng ngitian nito si Junsu ng bigla namang shang hinaplos ng mapagpala nitong kamay at kinindatan. Wtf? Kindat? Hinde~!!! *stabs Heebon*
“Eukyangkyang…don’t worry~~~”
“Yunho-ssi, will you be able to handle the story well?” aba, demanding tong producer na to, tampalin kita eh.
“Yes, with beautiful and great actresses as my partners, it will be a good learning experience for me.” Beautiful? Great? Tintin, sugod~!!!!!!
Hep, hindi pa po nasusuntok si Yunho sa puntong ito. Nagsisimula pa lang magstretching si Tintin niyan. XD
“Yuchun-ah, I trust your acting skills, you can do this.”
“Does the kid really look like me? Really? Where is he?” Akala ko ba ayaw mo sa bibis, Meke? Bakit excited ka mameet yung bata?
“Jaejoong-ah, we have to be careful with your scenes. We don’t to ruin that.” Sabay turo sa mukha niyang di kakinisan, este, sa mukha ni Jeje.