Chapter 21: Ang pagbabalik~!!!!
Gaano na ba katagal nawala sa eksena ang Noona sa istoryang ito? 5 days? 10 days? 1 million days? Bigla na lang niya kasing naisipan na maghibernate sa ilalim ng bahay nila at dahil kakadaan lang ng 666 Omen day eh saka naman siya bumalik mula sa hukay. Narealize kasi niya habang nagbabasa ng ‘Purpose-Driven Life’ na ang misyon pala niya sa buhay eh mangtorture ng mga babae.
“Muha…muhahahaha! Muhahahahaha!” si Grasya kanina pa mistulang baliw dun sa shade na sa wakas eh naisip itayo ng mga staff ng Banjun na shinoshoot nila dahil haller? Nagdasal ata si Meke at biglang umaraw ng sobra nung shoot nila. Takte, tanghaling tapat!
“Cut it down…” aba! Nasa inglisera mood pa din si Ana kahit mag iisang linggo na silang nagshoshoot!
“Pftt…muhahaha…read…read this…haha! For yourself…hahaha!” at kulang na lang eh gumulong si grasya sa lupa para iemphasize lalo na tawang tawa sha.
“Ha?” at nagkumpulan naman ang apat na babae habang gumugulong gulong na nga si grasya sa lapag dahil sa dalawang print out na binabasa niya.
“TVXQ Members Ranked Themselves” Maingay ka KAI!!!!!!!!!!!
“Shhh….”
“WHICH MEMBER LOOKS GOOD NO MATTER WHAT HE WEARS – Monmon…” at tumango tango naman sila. Aba, ayos to ah!
“Kahit wala shang suot, he will still look good...in fact…mas gwapo sha pag ganun…”HOY! ANAK MO YUN!
“Hell no!” si Kai yun sabay turo sa Question no. 24.
“Who will be the best model for cosmetics products? Jaejoong, Yunho, Changmin, Yoochun, Junsu…oh, anong mali dun?”
“Mali ang ranking! Pang construction products si Yunho, hindi cosmetic!” - Kai
“Ulul! Kai!!!!!!” sabay hinabol sha ni Tintin.
“Psshhh…peyborit talagang okrayin ni Kai si Yunyun noh?” at nagbasa na naman ang mga nasa tamang pag-iisip na si Ana at Eme.
>.< <- Eme
“Who can predict when it is autumn? Yoochun.” Naghintay si Ana ng hirit ni Eme. Ayan na.
“Tama. Autumn kasi ang time na nagkakahig siya ng lupa para maghanap ng uod at bulateng makakain, o kaya mga kalat kalat na mais sa tabi tabi. Alam na alam niya yan.” Wtf, Eme, *ahem ahem* imitate Tintin’s voice: ano bang ginawa ni Park sayo at galit ka sa kanya? Oo nga, ano nga ba? @_@
Hihirit na sana si Ana kaya lang biglang nagtayuan ang balahibo niya dahil may nasense siya biglang dark force sa paligid. Amp, kampon ng kadiliman? Si lizardo? Si Baldemor? *este Voldemort pala*. Si…Si…sino?
“Eme…may nagmumulto ba dito?” Natanga naman bigla si Eme dahil sa random na tanong ni Clejenations. Eksakto naman na biglang may malamig na kamay na biglang humawak sa balikat ni Ana na nakasleeveless pa man din. WTF, MALAMIG!
”AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!”
“Noona! You’re back!” ang unang dialogue ni Monmon sa chapter na ito ay ang pagbati sa pagbabalik ng kampon ng kadiliman, si EEEEVVVVVVEEEEELLLL NOOOONNNA.
“Oh, Changmin-ah, how are you? I missed you…” sabay pisil sa pisngi ng ating pinakamamahal na anak, kapatid at well, chingu na lihim din naman na pinagnanasaan ng ibang tao jan.
“Putek naman grasya oh!” muntik nang ipakain ni Ana ang paperbol na ginawa niya galing dun sa print out.
“Simula na naman….ng ating pakikipagsapalaran…” Apparently, nagpagulong pala si Grasya sa baul ng kayamanan ni Junsu aka ang cooler na may sangkatutak na bottle water na nakababad sa tubig din na may yelo. Sabay sabay silang tatlong napatingin 45 degrees left, northwest papunta sa babaeng akala mo eh sa sagala pupunta at hindi para magpaalila din.