Chapter 10:First Time

3.1K 99 1
                                    

Zeke's POV
Antagal naman kumilos ng babaeng to!Lunes na lunes male-late na ko agad nito eh.

"Hoy Jenna!Matagal pa ba yan?!Dalian mo na!"sigaw ko dito sa labas ng kwarto nya.Kanina pa talaga ako nakatayo dito eh.Hanggang ngayon di pa rin sya nalabas.

"Oo na!Wag kang atat!Aga-aga pa eh!"narinig kong sigaw nya.Tss.....Ano namang maaga sa 6:30 para sa isang eskwelahang nagpa-flag ceremony ng 7:00 ha?

*ting!*

Dinukot ko naman sa bulsa ng uniform ko yung cellphone ko ng tumunog iyon.

Ahh....Si Seth nag-text.Andun na daw silang lahat kasama yung ibang girls.

To Seth:
Ge pre.Susunod na kami.Antagal kasi kumilos ng babaeng to eh.

Reply ko sa kanya sabay suksok ulit ng phone ko sa bulsa.Alam ko namang hindi na magre-reply yang si Seth eh.Basta nasabi nya na ang pakay nya.Wala na yang pakialam.

Napatingin naman ako sa kabubukas lang na pintuan ng kwarto ni Jenna.Hay salamat natapos rin sya!

"Tara na!Anong oras na."tarantang sabi ko sabay hila na sakanya pababa ng hagdan.Hindi talaga ako sanay ma-late eh.

"Hoy ano ba!Teka lang wag mo nga kong kaladkarin!Umagang-umaga sinisira mo porma ko eh."annoyed na sabi nya.Nag-iinarte pa eh!

"Wag ka na munang mag-inarte!Sumakay ka na!"sabi ko habang nasulyap sa wristwatch ko.6:54 na!Ambilis ng oras!

"Sandali lang!Teka......."nakangising sabi nya sabay dukot sa bag nya ng......................Salamin?Lipstick?Talaga naman oo!!Nang-iinis ba to?

"Aish!Mamaya na yan!Sumakay ka na bilis!"sabi ko sabay tulak na sakanya sa loob ng kotse.Andami talagang kaartehan ng mga babae!

After mga ilang minuto lang ng pagmamaneho.Nakarating na rin kami sa school.Buti nga at naabutan pa namin ang flag ceremony.

-----------------------------

Jenna's POV
Ugghh!This is one of the annoying na kaek-ekan ng school na to.Ang flag ceremony.

Daming alam eh!Asan na ba sila Allysa?San na naman kaya dumugtong ng pila yung mga yun?

Dito kase pag flag ceremony hindi pinapansin kung anong section mo sa pila.Basta sa ka-year level mo lang ikaw lilinya.Ba't ko alam?Eh kasi hindi na kami nakakatakas sa ganto tuwing Lunes.Kung dati nakakapagtago pa kami kahit papano.Ngayon di na.Alam mo na,may mga asungot eh.

Aha!Ayun nakita ko na!Mga isang pila pa ata ang pagitan ng mga pila namin.Napansin naman nila ako kaya nagsi-kaway ang mga gaga.Ayan nasita tuloy nung teacher.Tch...

Hay!Salamat natapos na rin tong kaek-ekan na to.Agad naman silang nagsilapit saakin.Liban kay France na parang batang tumakbo palapit.Talaga tong batang to!Ano kayang ginawa ng mga to nung weekend?Matanong nga.

"Anong ginawa nyo nung weekend?"sabay-sabay na tanong namin.At may sari-sarili ring expression ah?Unang-una si Louie na animo'y galit na galit.Si Allysa na naka-kunot ang noo.Si France na salubong ang kilay.Si maurene na naka-poker face lang dun sa tabi.At si Lorraine na nakangisi.Ba't parang si Lorraine lang ang mukhang masaya dito?

"Bwisit talag----"hindi na natuloy ang dapat sanang sabihin ni Louie ng umepal na naman tong mga lalaking to.

"Hoy kayong anim.Tama na daldalan dyan.Pumasok na kayo dito." sabi ni Zeke.Wala na rin naman kaming nagawa kundi sumunod na rin.Kasi andito na rin pala si Prof.Nakasunod lang.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now