Chapter 84: A Remedy

266 14 0
                                    

A/N:
Here's the update! I know maraming naga-abang at nagpaload pa para magantay. Hindi ako basta basta naglalabas ng published coz'  I make sure na maayos at connected ang lahat ng details ng scenes. Hope yah understand and enjoy reading!



---

Zeke's POV

It's been several days since we've found out their secret.

Hindi ko pa rin tuluyang maipasok ng buo sa utak ko na ganito ang mga babaeng nakilala lang naman namin bilang mga simpleng pasaway na anak.

Na sa kabila ng pagtatago nila, ganito pala kaseryoso at kadelikado ang mga ginagawa nila.

And I can't even think that the girl I love is a badass and cool gangster. Damn.

"Wala pa rin daw bang balita kay Jenna, hyung?" Bricks asked while holding a cup of coffee.

Speaking of Jenna. She's still out of the news. And I can't sleep well knowing that she's out there missing somewhere in this island.

"Wala. The briefcases with her are found. But Jenna is still missing." pagbabalita ko sakanya.

Napahigop naman siya sa kape niya at lumabas sa balcony para magpahangin.

Bricks is a little bit uneasy this past few days for Maurene is still not here with us.

Nag-aalala din siya.

Napag-isip-isip kong lumabas na muna at maglakad-lakad sa dalampasigan.

"Guys, pakibantayan muna si Justin ha. If whatever happens, call the doctors. Lalabas lang ako saglit." bilin ko sakanila at tinignan si Justin na natutulog. Nagising na siya nung isang araw at sabi ng doktor ilang araw pa ang kailangan niya para tuluyang gumaling ang sugat niya kaya kailangan niya pa ring manatili dito.

I grab my phone and went out of the room.

Nilakad ko ang pasilyo at bumaba sa hagdan papunta sa labas ng ospital. Mga ilang lakad lang mula rito ay matatanaw mo na ang dagat sa di kalayuan. Kaya maganda ang view kapag nasa balcony ka ng isa sa mga kwarto ng ospital dahil tanaw mo dito ang kalmado at asul na dagat.

Hinubad ko ang tsinelas ko at sinimulang iapak ang paa ko sa puti at pinong buhangin.

The sun is hitting up my whole skin and the wind is cool and relaxing.

Sana kasama ko si Jenna ngayon.

Nasan ka na ba kasi Jenna? Marami ka pang ipapaliwanag saking babae ka. Madami pa tayong paguusapan.

Ilang araw na rin siyang nawawala at sobrang naga-alala na ako. Hindi naman tumitigil sa paghahanap sina Louie at ang mga kasama nila sa dagat at sa kalapit na mga isla.

Palagi din akong kinakausap ni Allysa to make me calm. Yung mga sinasabi niyang pampalubag-loob tumatalab naman nung una pero sa ngayon ilang araw na wala pa rin yung mahal ko.

I need to do something.

"Kung iniisip mong umalis at ikaw mismo ang maghahanap sakanya, tumigil ka. Baka mapahamak kalang." hahakbang na sana ako paalis nang mapatigil ako sa boses ng nagsalita.

Pagharap ko, tumambad sakin si Allysa na blangko ang ekspresyong nakatingin sa dagat.

"Pero ang tagal. Nag-aalala na talaga ako." sagot ko.

Napabuntong-hininga naman siya at tinignan ako.

"Maski ako Zeke. Lahat tayo nag-aalala. Pero kumalma ka. Hindi mamamatay si Jenna. Okay?" kalmadong sabi niya.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now