Chapter 62: Worried

1.1K 42 6
                                    

Seth's POV
Hindi ko alam kung saan na naman napunta yung Lorraine nayun. Kanina pa kami hanap ng hanap sakanya.

At kanina pa din ako nag-aalala!

Hays! Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Nagpa-alam lang siya saglit kanina na pupunta ng cafeteria tapos hindi na nakabalik.  Hindi niya din sinasagot ang mga tawag ko.

*sigh

At ang mas nakakapag-paisip pa saming lahat ngayon, Lahat na sila nawawala! Nagka-klase lang kami kanina sa room tapos paglingon ko sa pwesto nila nawala na sila ng parang bula.

Jusko! Mas sumasakit ang ulo ko sa mga babaing to kesa sa mga grades at sa pag-aaral ko. Lalo na sa Lorraine nayun.

Pero kahit anong pasaway niya hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sakanya. Responsibilidad ko siya kaya pag may nangyaring masama sakanya diko mapapatawad ang sarili ko.

"Seth hindi pa rin ba sumasagot si Lorraine?" tanong ni Zeke hyung sakin.

Malungkot akong umiling sakanya bilang sagot.

Matapos kaming palabasin sa school kanina dumiretso na kami kaagad sa bahay nina Jenna para magbakasakali na nandon sila.

Pero si Yohan lang kasama yung mga yaya niya ang naabutan namin doon. And they also didn't know where are they. Kaya umuwi nalang kami dito sa bahay. Magga-gabi na din kasi.

"Saan kaya sila nagpunta na naman?" tanong ni Kevin habang nakabaliktad na naka-upo sa isang single sofa.

"Wala tayong lead kung nasaan talaga sila. Kaya kung maghahanap man tayo ngayon, saan naman natin sila hahanapin dito?" singit bigla ni Bricks.

Natahimik kami. Sabagay, tama naman siya. Malawak ang lugar nato. Madami silang possible na puntahan.

"Tsaka lagi namang nangyayari to. Lagi silang tumatakas. Pero bumabalik din naman diba? Kaya wag niyo ng masyadong isipin yon. Ka'ya nila ang mga sarili nila. Para saan pa at naging mga dakilang bully sila sa school nila dati bago tayo dumating kung hindi nila mapagtatangol ang sarili nila." dagdag ulit ni Bricks.

Napatango-tango naman kami. Tama naman siya. Minsan lang magsalita to si Bricks pero dama talaga eh.

Pero hindi pa rin ako matatahimik hangga't hindi ko natitiyak na okay si Lorraine.

"Oo nga no! Wag na natin isipin yon! Magluto nalang tayo ng fries! Zeke hyung! Magluto tayo!" masiglang sabi ni Kevin saka tumayo at nilambitinan si Zeke.

"Aray! Aray! Ang bigat mo! Umalis ka nga!" reklamo ni Zeke.

"Eh! Magluluto tayo ng fries! Para bumaba ako. Hihihi!!" pamimilit ulit ng bata. Tss.......... Ang ingay na naman nila. Wala talagang pinagka-iba tong Kevin nato kay France. Parehas alien.

"Oo! Oo!" sagot naman ni Zeke kaya nakangiting lumayas si Kevin sakanya.

Sabagay, magandang idea naman ang fries. Masarap yon.

"Pero parang wala na atang naka-stock diyan eh." sabi ni Zeke kaya bumagsak ang balikat ni Kevin.

"Alam ko na! Bili nalang tayo! Tara! Sa Savemore marami!" sabi niya saka hinila na si Zeke.

Savemore!? Ilang metro din ang layo nun mula dito ah? Anong oras naman kaya sila makakabalik niyan? Tsaka gabi na. Baka sarado nayon.

Hays........ Gagawa at gagawa talaga ng paraan tong batang to para makuha ang gusto niya. Pero kahit ganon, natutuwa parin kami sakanya. Halos dito na samin lumaki yan kaya kampante naman kaming mabait na bata yan. Mababait din kami eh. Sa pagkaka-alam ko.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now