Chapter 100: Festival Day 2

260 14 1
                                    

Jenna's POV

GULO!

Oo! Nagkakagulo sila. Hindi suntukan o rambulan. Kundi sigawan, daldalan at walang humpay na reklamo dahil sa init.

Nandito ako sa baba. Kung nasaan nakapila ang mga customer ng booth namin. Pangalawang araw na pero andami pa ring nakapila at parang mas lalo pang nadadagdagan.

"Grabe! Sabi ng pinsan ko nakakatakot daw talaga sa loob."

"May nahimatay nga daw eh."

Agad akong napangiti nang marinig ko yung mga bulungan nila. Naalala ko din yung mga pangyayari kahapon.

Kung paano ako nag-enjoy kakapanuod sa mga pumasok sa booth pati yung unang nahimatay sa first batch.

Akala namin kung anung nangyari kasi bigla nalang silang nanahimik tapos nakapaikot sa isang estudyanteng nakahandusay sa sahig.

Nahimatay sa sobrang takot yung bata.

To the rescue naman ang mga lalaki naming kaklase na pinangungunahan ni Zeke. Binuhat nila palabas yung nahimatay at hinayaan sa loob yung iba para ipagpatuloy yung game.

Enjoy naman ako sa loob hanggang sa mga sumunod na mga batch. May muntik pang magbalyahan at magsuntukan pero tinatawanan ko lang.

Okay ako na masama ugali.

"Hi Jenna! Kamusta?"

Napataas ang kilay ko nang may bumati sakin. Hindi ko maalala ang pangalan niya pero sa pagkakatanda ko, eto yung ano------yung binentahan ko ng ticket last week na pinagselosan ni Zeke. Pfffftt!

"Hi?"

Ngumiti naman ang loko at nangalumbaba pa sa railings sa pagitan namin. Napangiwi ako sa inaasta niya.

Ano ba pangalan nito?

"No flirting while on duty."

Huh? Flirting?

Nilingon ko yung likod ko at ang Kumag ang naabutan ko. Madilim ang mukha at seryosong nakatingin dito sa kaharap ko.

"I-Im not flirting."

"Then that's good. Cause I'm just the one who's allowed to." nakangising sabi niya at umalis. Tinitigan muna niya ng masama 'tong kaharap ko bago nagmartsa paalis.

Eto na naman siya.

Pansin ko nagi-iba ang ugali ni Zeke kapag may ibang lalaking lumalapit sakin. Hindi naman ako manhid para hindi maramdamang nagseselos siya. Ang lakas lang kasi ng tama nya sa utak.

"Boyfriend mo na ba yung SSG president?"

Napatingin ako dito sa kaharap ko. Kung makatanong akala mo close kami.

Gusto pa atang maki-chismis.

Hindi ko siya sinagot at naglakad na din paalis. Dinig ko pa yung pagtawag niya sakin pero hindi ko na siya pinansin. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ako magsasayang ng oras para makichismis sakanya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Susundan ko sana si Zeke kaso sa laki ng school na'to saan ko naman siya hahanapin?

Diko din nakita kung saan siya nagsusuot kanina.

Lumakad ako diretso papunta sa all-purpose hall. Madaming tao ang pagala-gala. Ang gugulo nila at kung anu-anung mga pinag-uusapan. Malakas din ang music na nangga-galing sa loob kaya mas lalo pa silang gumulo.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now