Chapter 99: Festival Day 1

173 10 1
                                    

Jenna's POV

"I've never expected na magiging ganyan sila kadami."

Di makapaniwalang sabi ni Shane habang nakasilip sa pila sa baba.

Mahaba ang pila ng mga estudyante. Blockbuster kung tutuusin. Karamihan sa mga nakapila at nauto nila ay mga first year.

Mukang effective yung pag-smile ko sa mga binentahan ko.

Sa pinakahuling floor ng building namin kami nagset ng venue para sa pinaka-horror house. Apat na floor lang naman 'to kaya medyo malaki ang inayusan namin. Mula sa mga hagdan. Hanggang sa pinakataas.

Tinakpan din namin ng mga karton ang open area na nasisinagan ng araw sa hallway. Pero sa fourth floor lang. Para maging mas creepy at madilim ang paligid.

"Ay! Ang galing! Ang dami nila!" si France habang pumapalakpak.

Nakasuot na siya ng costume niya.  Uniform na luma tapos punit-punit at puro bahid ng pulang food color. May make-up din siya at may mga kunwaring sugat sa mga braso at mukha. Realistic ang mga prostetics niya kaya kapani-paniwala.

Yun nga lang mukha siyang basahan.

"Guys! Ready na! In 5 minutes we'll start!" sigaw ng kung sinong classmate namin kaya lahat nagsikilos.

Inayos ko yung mga nakakalat na upuan sa hallway. Actually sinadya naman na ikalat talaga 'to dito para mas maging mukhang abandonado ang venue. May mga vandalisms din sa mga karton na nakatakip sa pader at may kulay yellow na nakalagay na
'police line' na nakapaikot sa mga hagdan. Tapos puro papel at kung anu-anung kalat ang nakasabog sa sahig.

Odiba mukhang gusgusin na ang floor namin.

Napatigil ako nang may kumalabit sakin. Nilingon ko yun at--------tangina!?

"Hahahahaha! Ano? Ayos ba costume ko? Natakot ka ba?"

Si Justin yon. Naka-school uniform din siyang luma tapos kagaya ni France, punit-punit din yon at may kunwaring mga pasa at sugat siya sa mukha. Sa itsura niya maniniwala ka talagang multo siya kasi ang puti ng mukha niya. Lalo na't madilim dito sa taas. Kung hindi kolang 'to nakilala baka nasapak ko na' to.

Mukha kasi siyang nabugbog. As in nalamog talaga.

"Tss umalis kana nga. Pumasok ka na dun at baka totoohanin ko yang mga pasa mo sa mukha." utos ko at umalis siyang nakatawa.

Lumakad ako at pumasok sa isa sa mga rooms. Dalawang rooms ang ginamit namin para maging mismong-horror house.

Pinto palang nakakakilabot na. Nilagyan kasi nila ng itim na garbage bags na ginupit na parang kurtina yung pinto. Sobrang dilim sa loob dahil tinakpan namin ng mga karton at garbage bags ang mga bintana at mga pwedeng pasukan ng liwanag. Kalat-kalat at nakatumba ang ilang mga upuan at table. Bawat lakad din hindi pwedeng wala kang masisipang papel sa sahig dahil maraming nakasabog na mga papel katulad sa labas.

May mga nakasabit ding itim na garbage bags na ginupit sa kisame tapos may mga creepy pictures na nakadikit sa pader na halos lahat ng laman ay class pictures na nakuha lang nila sa internet.

Actually magaling ang naging plano ni Miguel. Parang napunta sa ibang lugar yung isang buong floor na'to dahil nagmukhang abandonado at madugo ang mga pangyayari. Buti nalang at naki-cooperate lahat kaya nagawa naming maghanda sa loob lang ng isang linggo.

Medyo nahirapan nga lang. Dahil sa ilang props.

Pero sulit naman dahil andaming nakapila sa baba at excited na makapasok ng booth.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now