Chapter 80: A Life For A Truth

338 11 3
                                    

Allysa's POV

"A-Allysa?"

Napatigil ako sa pagliligpit ng rifle ko at gulat na napa-angat ang tingin.

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng tumambad sakin si Justin na nakatayo sa pintuan ng rooftop.

Hindi makapaniwala ang mukha niya habang nakatingin sa akin at sa mga baril ko at basyo ng bala na nakakalat sa sahig.

Tangina.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Magpapahangin lang sana. Ikaw, a-anong ginagawa mo dito? Anong ibig sabihin ng mga yan?" sabi niya at itinuro ang mga gamit ko.

"Namamaril ako ng ibon." simpleng sagot ko at ipinagpatuloy ang pagliligpit na ginagawa. Pinulot ko yung mga basyo ko ng bala saka inilagay sa isang lalagyan.

"Tell me the truth Allysa." seryosong sabi niya. Napahigpit ang hawak ko sa rifle ko.

Ngayon ko lang siya narinig na magsalita sa ganyang tono.

Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay bigla nalang may sunud-sunod na bala ang tumama sa pader at sa water tank.

Agad ko siyang hinila upang makapagtago.

Shit this is not good.

"Allysa ano yon?!" naghi-hysterical na tanong niya.

"Bumabaril pabalik yung mga ibon." sagot ko at kumuha ng bala saka nireload ang rifle ko.

"What?!" naguguluhang tanong niya.

Napairap naman ako. Andaming tanong.

"Calm down. You're safe." paga-assure ko sakanya.

Sunud-sunod ulit ang mga bala at halos mabingi na kami sa tunog non.

Kainis naman. Pinapaulanan kami ng bala ng kung sino mang tao yon.

Nilingon ko si Justin na pinagpapawisan na sa tabi ko.

"Sumunod ka sakin." sabi ko sakanya at inunahan ko na siyang gumapang papunta sa sulok.

I need to shoot that motherfucking bullshit out there.

Nang makarating na kami sa sulok, ipinusisyon ko ang sarili ko at ang rifle ko.

I can see on my eyepiece that it was a sniper also. Nakasuot siya ng uniform ng Black Blood at nakapwesto sa rooftop ng hotel na venue ng transaction.

He seems like wondering if we're still there on the same spot na pinagtatayuan namin kanina.

But unfortunately, no.

Sinilip ko siya mula sa eyepiece ko at itinutok yon sa ulo niya.

Patay ka sakin ngayon.

Nang masigurado ko na kung saan ko siya tatamaan, mahigpit kong hinawakan ang rifle ko at agad na kinalabit ang trigger nito.

*BANG!

Isang malakas na putok ang umalingawngaw at nakita kong tumalsik ang dugo sa ulo ng lalaking yon mula sa eyepiece ko.

Headshot.

"Fuck Allysa! That's what you call safe?!" hysterical na sabi ni Justin.

"Not really." sagot ko at hinila na siya papunta sa pintuan ng rooftop.

I need to get him out of here. Or else, he'll die.

"Allysa ano bang nangyayari?!" pagtatanong ni Justin habang hila-hila ko pa rin siya.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now