Chapter 42: Leadership Camp

1.7K 54 8
                                    

~Swanson University's Gate~

"Guys!Nasan na daw ba sina Jenna?Ang tagal naman!Ang bigat kaya nitong bag ko.Tsaka baka masarahan pa tayo ng gate nito eh."inip na sabi ni Louie.

"Di ka pa nasanay Louie. Eh lagi namang late yun si Jenna.Hinawa pa si Zeke ng pagiging late lagi."kimeng sagot ni Maurene at bumalik sa pagkalikot ng phone niya.

"Relax ka lang muna kasi.Maaga pa naman eh.Ibaba mo kaya muna yang bag mo para hindi mabigat diba?"nakangiting sabi ni Vincent at kinuha ang bag na buhat ni Louie.

Araw ng Biyernes.At maagang pumasok ang mga estudyanteng kasali sa isasagawang tatlong araw na Leadership Camp sa kanilang University.Lahat ay mababakas ang excitement sa kanilang mga mukha.At tuloy-tuloy din ang pagdating ng iba pang estudyante.

"Sino kayang mga ka-commission natin ngayong taon no?"biglang tanong ni Lorraine.

"Isa lang ang sure kong sagot.Kasama mo pa rin ako."sagot ni Louie.

"Sabi ko nga.Teka France! Ba't ang tahimik mo ata?"sabi ni Lorraine at kinalabit si France na parang tangang nakatulala dun sa kung saan.

"Ahh....Ha?Kasi....... Lorraine. Parang nakita ko sina Andrea."pabulong na sagot ni France.

Agad namang nagsalubong ang kilay ni Lorraine dahil sa narinig.

"What do you mean?Diba nag-usap na sina Jenna at..........."

"Yeah.Yun nga.Pero hindi naman pwedeng i-broadcast ni Tita Lisa sa buong school na may mga gangsters sa loob ng school niya at nakakasalamuha pa ng ibang estudyante.Baka magkagulo lang lalo."pabulong na sagot ni France.

"Ahhhh....... Yeah.Nage-gets ko ang point mo."pabulong din na sabi ni Lorraine.

"HOY!Ba't kayo nagbubulungan?"bigla naman silang natinag ng biglang magsalita si Louie sa tabi nila.

"Wala lang.Wala pa ba sina Jenna eonnie?"ngiting-ngiting pag-iiba ni France ng usapan.

"Sa awa ng Diyos wala pa din."

"Ayan!Teka ayan na shila!Hohoho!! Sha wakash andyan na shila!"tuwang-tuwang sabi ni France habang sumusubo ng marshmallows niya.

"Tsk!Nababaliw na naman siya.Kevin patigilin mo nga ya----------"napatigil si Louie sa pagsasalita ng paglingon niya eh pareho ng nilalantakan nina Kevin at France yung marshmallows. Napa iling nalang si Louie.

"Ano?Tara na pa-register.At ng magka-alaman na kung sino ang magkaka-commission."pagyayaya ni Allysa.

"Teka?Anong commission?"hirit na tanong ni Justin kaya nagkatinginan silang lahat.

"Guys.Ipaliwanag nyo nga sakanya."bored na utos ni Jenna.

"Ang commissions ay ang group na kinabibilangan mo according to surname.Merong 12 commissions.At ang mga ka-group mo ay either kaklase or schoolmate mo.Ibig sabihin.Kahit ibang year level pwede mong maging ka-grupo."pagpapaliwanag ni Maurene sabay ayos ng suot nyang reading glasses.

"Ahhhh.... Okay."sabi ni Justin sabay nod.

Tahimik namang naglakad na paalis ang iba.

"Justin.........."tawag ni Allysa sakanya.

"Yeah?"

"You Got No Jams."dugtong ni Allysa at nakangising naglakad palayo.

"Nye.Nye.You got no Jams.Pag nalaman ko talaga ano meaning nyan,ay naku."sabi ni Justin sabay pout.

"Baby JUSTIN!!! Ang cute mo talaga!Pakurot dali!!"agad na nanlaki ang mata ni Justin ng marinig ang tiling iyon.

"Lah!Si Suzy!TAKKBOO!!!"sigaw nya din at kumaripas ng takbo.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now