Chapter 73: Confirmed

1.3K 40 23
                                    


  Jenna's POV


"Zeke, thank you sa pagdala mo sakin dito." nakangiti kong sabi sakanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

He just smiled for an answer. He looks happy with that smile on his face. He even looks more handsome.


And I'm happy that I can make him smile like that.


Mga ilang minuto din kaming nagtititigan ng ganon. Hanggang sa mapansin kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sakin. Parang nabato narin ako sa kinatatayuan ko sa mga oras na'to. Gusto ko siyang tampalin at sabihang 'Ginagawa mo?' pero parang sabi ng utak ko 'Sige go lang.'

At yun na nga. Sa isang pitik lang ng daliri, magkadikit na naman ang mga labi namin. Eto na naman yung pakiramdam. Yung parang bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Tapos yung puso ko parang nakikipag-karera sa mga kabayo. At yung pisngi ko parang bigla nalang uminit.

Parang bigla nalang nanahimik sa paligid at pakiramdam ko kaming dalawa nalang ang nandito. Grabe! Grabe na'to.

Right this time isang tanong lang ang tumatakbo sa isipan ko.



Why?



That kiss lasted for about a minute then he finally let go. Isang mabuting desisyon kasi halos di na'ko makahinga dito eh.

Pareho kaming hindi makapagsalita matapos yon. Parang napipi na ata ako pagkatapos. Nakatulala lang ako sa kawalan hanggang siya na ang unang magsalita.

"Uhmm....Tara?" awkward na sabi niya.


Gago toh di manlang magpapaliwanag.


Ano na naman kayang pumasok sa isip nito at ginawa niya na naman yon? Di naman ako nagmura ah?

"Teka, may tanong ako." I said.

"Hmm?" siya.

"Uhmm.....ba't mo'ko.....hinalikan?" paputol-putol na tanong ko.

Ngumiti lang siya tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Tignan mo dinedma ang beauty ko.


 -_________-


Patakbo ko siyang hinabol. Ang layo niya na kasi mga tropa pips. Ang hahaba ng bias eh. Musta naman yung akin pag hindi ko pa tinakbo.

"Hoy! Tinatanong kita!" tawag ko sakanya. Pero siya patuloy lang sa paglalakad. Nagsungit na naman. Ang gulo talaga nitong lalaking to.

Pareho lang kami.

Hinabol ko siya ulit tsaka hinigit ang braso niya para makaharap sakin. Mahirap na baka takbuhan na'ko nito.

"Sagutin mo'ko. Bakit?" tanong ko ulit.

Nakayuko lang kasi siya at hindi nagsasalita. Ano? Napipi na talaga siya? Ayaw na magsalita? Pag ganun masamang balita yun.

Medyo naiinip na'ko ah.


"Ba't ba ayaw mo--------"


"Eh kase I like you!"

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now