Chapter 86: Harley's Revelations 1

238 10 0
                                    

Maurene's POV

Para akong natuod sa harapan ni Harley.

Nakatitig lang siya sakin at hindi ko mabasa ang kahit na anong ekspresyon sa mukha niya.

Humakbang siya ng isang hakbang palapit saakin. Akala ko sasaktan niya ko pero sumilip siya sa pintuang bahagyang nakabukas at bumalik ang tingin sakin.

He grabbed my wrist and pulled me away from that door.

Habang hila niya ako hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Harley. Tensyonado nako pero nananatili akong tahimik at tikom ang bibig.

Dinala niya ako sa isang silid at ni-lock niya ang pinto.

I still can't find my words and remained calm and blank.

Isinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok niya at napahilamos sa mukha out of frustration.

"I know." sabi niya.

Hindi ko makuha ang sinabi niya pero nananatili akong tahimik.

"Alam ko Rene. I know what you're up to." dagdag niya.

Sa mga sandaling yon, doon nako napatingin sakanya.

"Alam mo----pero bakit m-moko tinanggap ulit?" naguguluhang tanong ko.

Nilingon niya ako at tila ba biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

I can't see any signs of anger in his expressions. Para bang nasilayan ko ulit yung soft and pure side niya na matagal ko nang hindi nakikita sa mukha niya.

"Cause-----cause----I love you." kagat-labing sagot niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa isinagot niya. Parang bigla ulit dumapo sakin yung awa sakanya.

He's a prisoner of his love for me.

And I took advantage with that.

"P-pero bakit? Alam mong niloloko kita. Pero bakit?" ulit ko sa tanong ko. Alam kong paulit-ulit ako pero hindi ko pa rin maintindihan.

"Maurene masisisi mo bako? You know how much I love you. Gagawin ko lahat maibalik ka lang sakin ulit------gaya ng dati." sagot niya at napayuko.

"Galit ka ba sakin?" tanong ko. I'm referring to what he saw earlier. Na nakikinig ako sa leader ng gang nila tungkol sa mga inner plans nila.

"Hindi ko kayang magalit sayo Maurene. Alam mo yan." sagot niya at tinignan ako.

"P-pero, nahuli mo nako. Wala kang balak isumbong ako kay Andrea?" tanong ko.

He just let out a sigh and looked at me.

"Hindi ako papayag na saktan ka nila." matigas na sagot niya.

Teka, diko maintindihan. Kakampi niya si Andrea pero pinoprotektahan niya pa rin ako sakanila kahit nahuli niya nako.

Dahil ba---dun sa mahal niya pa rin ako?

"Pero kakampi mo sila." naguguluhang tanong ko.

"Tss. I dont care. Simula ngayon wala nakong pakialam sa mga plano niya. I just realized na hindi niya naman ako matutulungan. Sarili niya lang ang iniisip niya para umangat at hindi ako kasama don, pati yung napag-usapan namin." sagot niya na lalong nagpasakit sa ulo ko. Mas lalong nadagdagan yung mga bagay na kelangan ko isipin at hanapan ng sagot.

"A-ano? Hindi ko maintindihan." gulong-gulong tanong ko.





---

Harley's POV

Nakatingin lang ako kay Maurene. Alam kong gulong-gulo ang isip niya at naghahanap ng kasagutan sa mga tanong.

Iniisip ko pa din kung handa na ba akong sabihin sakanya ang lahat.

Ang pakay ko kung bakit ako bumalik. Bumalik ng ganito.

Pero wala na, nandito na kami. Nasimulan kona. Kaya tatapusin ko na ang kwento ko.

"I leaved you on purpose." maikling sagot ko at inalala ang mga kaganapan sa buhay ko at buhay namin 2 years ago.

-flashback 1.0-

"Babe! Look at this! I have something for you." masayang sabi sakin ni Maurene at inabot sakin yung isang rectangular box.

Nakangiti ko naman itong tinaggap. Kahit ano pa 'to basta galing sa babaeng mahal ko, tatanggapin ko ng buong-buo.

Binuksan ko yung box at isang silver necklace na may pendant na maliit na eroplano ang bumungad sakin. Simple lang yon pero maganda.

"Wow! Salamat babe!" masaya kong pagpapasalamat at niyakap siya.

"I know that you want to be a pilot. Happy Anniversary ! I love you." bati niya sakin.

I flashed my sweetest smile and hugged her even more.

"Happy Anniversary din. I love you too." sagot ko at hinalikan siya sa noo.

No doubt. Mahal na mahal ko ang babaeng 'to. Kahit na naghirap ako mapasagot ko lang siya, sulit naman ang lahat nung narinig ko mula sa bibig niya yung Oo niya.

Sobrang saya ko non at walang mapagsidlan ng tuwa nung sinagot niya ko. And now, I'm happy that she's my girl now. Madami ang naghahabol sakin pero siya ang gusto ko.

"Salamat babe. Sa araw na'to." sabi niya sa pagitan ng pagyayakapan namin.

I planned out a picnic date sa isang private park dito samin. This is a special place para sa special day ng relationship namin. Our first Anniversary.

Nothing feels like being happy habang kayakap mo ang tanong mahal mo sa isang lugar na tahimik at kayo lang ang nandoon.

"Anything for my girl." sabi ko at masuyo siyang hinalikan sa labi.

"Dumidilim na. We need to go home." i said then pulled out from the kiss. I gaved her a peck on her lips at ngumiti bago tumayo at nagsimulang magligpit ng gamit.

Inihatid ko siya sa tapat ng bahay nila at hindi na nag-atubiling pumasok dahil kailangan ko na ding umuwi ng bahay.

"I love you babe. Sleep well and dream of me!" sabi ko at hinalikan siya sa labi bago pumasok sa kotse.

"I love you too!" sagot niya at nkangiting pumasok sa gate.

Inintay ko munang makapasok siya sa mismong pinto nila bago pinaandar ang kotse ko at nagdrive na papuntang bahay.

Kanina pa din kasi ako tini-text ni mommy. Dumating na daw si Kuya galing states.

Ipinarada ko na yung kotse ko sa malawak naming garahe at tuluy-tuloy na pumasok sa pintuan ng bahay.

Pagpasok ko, rinig ko na yung maingay na pag-uusap ng mga tao sa loob.

Sinundan ko ang ingay at natunton ko sila lahat na nasa dining hall.

Nandito silang lahat. My mom, dad, si lola, tita ko at si kuya Harvey.

"Bro! Nice to meet you again!" masayang bati niya sakin at niyakap ako.

Matagal din siyang nawala at ngayon lang nakabalik. Ewan ko kung anong ginawa niya at wala na ding nagawa sina mommy nung umalis siya sa bahay noon. Bata pa ako nung umalis siya.

At siya lang ang tanging kapatid at kaibigan ko noon. Pero nawala pa siya. Pero ngayon I'm glad na bumalik na siya.

"Namiss kita kuya." sabi ko at niyakap siya pabalik.









---

Author's note:

So ayan! Medyo mahaba-haba ang flashback ni Harley para magkaroon ng kaliwanagan ang mga kiti-kiti niyo sa utak kung bakit siya nawala dati.

Sana nagustuhan niyo!

Please vote, comment and share mah story! I love you all! ♡
-ave_vale

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now