Chapter 56: Lunch

1.6K 62 7
                                    

Jenna's POV
Hindi ako sigurado kung si Andrea nga yung nakita ko kanina pero alam kong isa yun sa miyembro ng Black Blood.

Pero ano namang ginagawa niya doon?

Aba'y malamang namimili. Ano bang ginagawa sa Grocery Store Jenna?

Pero kasi parang iba ang nafi-feel ko sakanya eh. Parang super pamilyar niya sakin. Wala naman akong ibang kilalang myembro nila. Tanging yung pagmumukha lang nung apat ang tanging nakatatak sa utak ko.

Who the hell is she?

Pag nalaman ko kung sino yon babanatan ko talaga siya. Muntik niya pa akong isubsob sa cart ko kanina.

"Huy! Ano ba nangyayari sayo? Mula kanina kapa tulala." napabalik ako sa realidad ng magsalita si Zeke at winagayway pa yung sandok niya sa mukha ko.

Nandito na nga pala kami sa bahay nila. At eto, kasalukuyan ko siyang tinutulungan magluto. Yung iba nandun sa sala. Nagwa-wifi.

"Wala. Alis nga." sabi ko at nilayo yung sandok. Mainit kaya yun no. Sinawsaw niya sa kaserola niya kanina yun eh..

"Sus. Iniisip mo na naman ako eh." tatawa-tawa niyang sabi at bumalik sa paghahalo ng niluluto niya.

Nga-nga. Ang kapal talaga ng mukha nito. Ilang plastik ba ng ruby sininghot niya? Masyado na siyang mahangin. Baka magulat nalang ako lumulutang na'to mamaya.

"Tss................As if!" mataray kong sagot at inirapan siya. Buset.

"Hahaha...........pikon! Haha!!" asar niya at sinundot-sundot ang tagiliran ko.

Pota naman! Naging isip-bata na naman siya! Parang gago. Iuntog ko kaya ng malakas to para bumalik siya sa pagiging masungit. Sa tingin ko mas okay siya pag ganun.

"T*ngina! Tumigil ka nga!" inis kong sigaw.

Tinigilan niya naman ang pagsundot sa tagiliran ko at mangha akong tiningnan.

"Profanity." he said then smirk.

Unti-unti siyang lumalapit sakin wearing that smirk on his face. Ako naman, atras din ng atras. Mukha siyang serial killer sa ginagawa niya. Kutsilyo nalang ang kulang kamukha niya na si Chuckie.

"H-hoy............." pota! Di ako makapagsalita ng maayos!

Napatigil ako sa pag-atras. Wala na kasi akong aatrasan! Ref na ata tong nasa likod ko. Napasandal nalang ako sa ref. Siya patuloy parin sa paglapit. Tangina! Bakit ako kinakabahan?!

Ano bang trip nito? Eh kung sipain kona kaya to? Baka sakaling mapahiwalay yung masamang espirito na sumapi sakanya.

Sinandal niya yung dalawa niyang braso sa ref. Wala na. Di na'ko makakatakas nito. Hindi nalang ako gumalaw at nakipagtitigan nalang sakanya. Ayokong ipakitang affected ako sa ginagawa niya. Kahit na ang totoo, gustong-gusto ko na siyang paliparin gamit ang kamao ko.

"Next time I hear you curse...................." sabi niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. As in sobrang lapit. Ga-hibla nalang siguro ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't-isa. Magkakahalikan na kami.

Hindi ako sumagot at tinaasan lang siya ng kilay. Ayokong magsalita. Baka mamaya wrong move pa. Pinagpapawisan na din ako ng malamig. Gago talaga to! Pag ako talaga nakabawi lulumpuhin ko siya!

"Next time I hear you curse..................I'll kiss you." sabi niya at ngumisi na naman.

Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya. Hooooo..........yung puso ko. Di'ko maintindihan. Parang nakikipag-karera na naman. Di rin ako makagalaw sa pwesto ko. Ano ba Jenna?! Kaya mong manapak ng limang lalaki tapos etong isa lang di mo magawang paalisin?!

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now