Chapter 83: Pretty Little Liar

352 10 4
                                    

Allysa's POV

Nasa balcony ako ng hospital room ni Justin nang biglang bumukas ng marahas ang pintuan.

Napatingin kaming lahat doon at tumambad samin si Lorraine.

Lorraine.........

"Hoy! Tanginamo! Saan ka ba galing?" bungad ni France sakanya at hinila siya para tuluyang makapasok sa loob.

"Ano nangyari sa tagiliran mo Raine? Bat may dugo?" tanong naman ni Kevin.

"Hindi yan dugo." simpleng sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko at napatingin doon sa tagiliran niya na basa ng kulay pulang likido.

"Eh ano yan?" tanong ni Zeke.

Nga pala, andito din yung ibang mga kupal maliban kay Seth at Bricks. Lumabas lang para bumili ng pagkain. Si Louie naman wala din dito at nasa labas nakikipag-usap sa mga tao namin na siyang naghahanap pa rin kay Jenna sa dagat.

Inantay namin lahat ang isasagot niya. Ilang minuto pa siyang natulala at di makasagot.

"Fake blood---" sagot niya at bumuntong hininga.

Napakunot ulit ang noo ko.

Fake blood? Seriously?

"Luh weh?!" sabi ni France at nilapitan siya para itaas ng bahagya ang shirt niya. Wala ngang sugat doon at totoo ang sinasabi niya.

"Sino namang siraulo ang maghahagis sayo ng fake blood?" tanong ko sakanya.

"Wait--b-baka may pinatay ka Lorraine?" nauutal na tanong ni Vincent.

"Ikaw palang kung gusto mo." sagot naman ni Lorraine..

"Sabi ko nga hindi......." anang Vincent.

Umupo siya sa sofa at sandaling ipinikit ang mga mata.

Kami naman tahimik lang na nakatitig sakanya.

She's being weird.

Pakiramdam ko kakaiba ang kinikilos niya at may hindi siya sinasabi samin.

I picked up my phone as it rungs repeatedly in my pocket.

T'was Louie.

"Hello Louie?---yeah. What's up?" tanong ko kaagad. Bigla namang napatayo si Zeke at agad na lumapit sakin.

"We've found the briefcases floating---but not with Jenna." diretsong sabi niya.

Napabuntong-hininga naman ako dahil sa ibinalita niya.

Where in hell are you Jenna?

"Saan banda?" tanong ko ulit.

"Sa kalapit na isla. Nearly 41.51 kilometers away." sagot niya.

I nod and shifted my gaze into Zeke who looks worried in front of me.

"Our team will continue to search for her. So don't worry. Try to explain to them carefully, and just---make them stay calm. Mahahanap namin siya." paga-assure niya.

"Sige. Take care." i replied then hung up the phone.

"Anong sabi ni Louie? W-where's Jenna?" bungad agad sakin ni Zeke.

Ibinulsa ko ang phone ko at lumapit sa kama ni Justin. He's still sleeping and doesn't know what's happening here.

Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at magkasunod na pumasok sina Seth at Bricks na may dalang mga pagkain at prutas.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now