Chapter 96: B-T-S

189 10 1
                                    

Jenna's POV

"BTS! BTS! BTS NAAAA!"

Si France yan. Mula kanina na dumating siya sigaw na siya ng sigaw. Nagsisimula nakong mairita sakanya.

Nagbalik na din kami sa klase. Hindi naman habambuhay Christmas at New Year's holiday kaya balik aral na naman.

"BI-TI-ESSSSSS!!" sigaw na naman niya.

"FUCKIN' SHUT UP!" inis kong sigaw. Halos mapatalon naman siya at napayakap pa sa gate ng building namin.

"Kuya Zeke...... inaaway ako oh." sumbong niya kay Zeke sabay turo sakin.

Tinignan naman ako nitong isa na nagsasabing tigilan kona at baka magkagulo pa.

"Tara na pumasok na tayo."

Naglakad na kami paakyat ng room namin. Tahimik na ako pero si France hindi pa rin tumitigil sa kakasigaw. Sinasabayan pa siya minsan ni Kevin.

Tss mga abnormal.

"Ano bang BTS pinagsasabi mo?" mabuti nalang at hindi lang ako ang naririndi sakanya. Sakanilang dalawa pala. Kundi si Allysa din.

"Hmm......BTS...... Back-To-School! Hihihihi......" sagot niya saka humalinghing na parang ewan.

Hindi ko maiwasang mapairap ng matindi. Kung makasigaw kasi siya akala mo aattend ng concert at excited. Yun pala ganon lang ang ibig niyang sabihin sa sinisigaw niya.

Buti pa siya excited.

Naupo na kami sa pwesto namin sa likod. Nakatabi na samin 'tong mga kumag na' to. Di kagaya dati na magkahiwalay ang upuan ng boys sa girls. Ngayon parang nagkalimutan na ata kami ng mga kaklase ko at kanya-kanya na ng upo kung saan gusto.

Hindi rin naman kami nagantay ng matagal dahil pumasok na sa pinto si Mr. Vergara.

"Good morning class! Welcome back to school!" nakangiting bungad niya samin.

Nakihiyaw naman 'tong mga kaklase namin. Yung iba pumipito pa.

"So....... Kamusta ang bakasyon niyo?" tanong niya muli habang unti-unting inilalabas sa bag niya yung laptop niya saka ilang papel.

"OKAY LANG PO!" sagot nila.

Ngumiti ulit siya at nagpatuloy sa ginagawang paghahanda ng gamit niya.

Iniligid ko yung tingin ko sa buong klase. Hindi kami kumpleto. Kahit na hindi ko kilala ang ibang kaklase ko kahit matagal na kaming magkakasama, alam kong kulang kami.

Yeah.... Right!

Kulang yung apat na bruha. Si Andrea at yung mga alipores niya. Pati din si Harley wala.

Asan kaya yung mga yun? Baka pinanindigan ang plano nila at nakalimutan nang mag-aral.

Sabagay, sa dami ng pera ng mga pamilya nila, pwedeng-pwede sila bumili ng sarili nilang school. Pati mga teacher at kaklase kaya nilang bilhin.

Kaya ko din naman yun.

Kaso waste of time lang pati effort.

"Nga pala class! Magkakaroon ng School Festival this month! Probably, next week ang start. Star sections lang ang magkakaroon ng booths. Magkakaroon din ng programs at sport games na sure akong maeenjoy ng lahat."

Lahat kami natahimik nang magbalita si Sir.

Next week agad?!

"May oras pa kayo para pag-usapan ang booth na gagawin ng Section niyo. Kaya pag-usapan niyo ng maayos. Ang kalahati ng pondong makukuha niyo sa pagbebenta ng tickets para sa booth niyo ay ibibigay sa Council Heads at ang kalahati ay mapupunta sa inyo. So, kapag mas madami kayong kinita, mas madami din kayong matatanggap." dagdag pa niya.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now