Chapter 51: Instant Parents?

1.5K 57 6
                                    

Jenna's POV

"Listen and focus on the lesson. Not in ME."

That feeling na gusto mo ng manapak. Bwisit kasi talaga yung Zeke nayun eh. Ang lakas ng hangin sa utak. Akala mo kung sinong gwapo.

Pero gwapo talaga..................

Pero kung wala lang talaga kami sa loob ng library kahapon. Ay naku! Nabatukan ko na yun. May kahanginan din palang taglay ang luko.

Anyways, nandito ako ngayon sa kwarto ko. May pasok pa kaya naghahanda na'ko ng sarili. Nakaligo na'ko, nakabihis at nakakakain na. Aalis nalang.

Yung sundo ko nalang ang wala. Haaayyyss............ Kung pwede lang ako lumipad para makarating sa school para hindi makasabay sa Zeke nayun gagawin ko. Kaso hindi mangyayari yun. Imposible.

Dinampot ko na yung bag ko at naglakad na palabas ng kwarto ko. Baka biglang dumating ang kumag at sumugod nalang bigla dito sa kwarto ko.

Nasa hagdan palang ako rinig ko na yung mga nagkakagulo sa baba.

"Hahaha!! Habulin mo'ko yaya! Habol!"tuwang-tuwang sabi ni Yohan na tila nakikipag-patintero na naman sa yaya niya.

"Yohan ay! Halikana dito! Magsapatos kana."sabi ni.............ng yaya niya atsaka tumakbo habang bitbit yung sapatos.

May pasok din tong si Yohan. Magkapareho na kami ng schedule ngayon since nagsimula na ang Shifting sa school ko.

Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng hagdan habang pinapanood silang nagkakagulo. Hindi din naman ako makaka-upo ng matiwasay doon sa sofa kung nandun sila.

Nami-miss ko ng mag-drive. Hindi ko na nagagamit yung kotse at motor ko kasi lagi akong sinusundo ni Zeke. Pinanindigan niya talaga pagiging bodyguard.

Well,hindi naman sa hindi nagagamit. Minsan naman nagagamit ko sila sa mga lakad ko tuwing weekend. Kaso mas gusto ko yung pagda-drive papuntang school. Gusto ko yung paraan ko ng pagparada sa parking lot. Yung basta nalang maipark.

Tapos yung aura pag bababa ng kotse. Yung tipong matitigilan lahat at mapapalingon dahil may isang ako ang dumating. Haha!!

"Ate!! Itago mo'ko! Ayan na si yaya!!"halos matumba ako ng biglang sumigaw si Yohan at nagsisiksik sa likod ko. Kasunod niya yung yaya niya na bitbit pa din yung sapatos.

Ay juskong bata to! Nahihilo na'ko sa kakapaikot-ikot namin. Halos mapigtas na din yung palda ko sa pagkaka-kapit niya.

Shit! Di pa'ko nakakapasok mukha na'kong basahan!

"STOP IT! Yohan get up and wear your shoes! NOW!"ma-otoridad kong utos.

Agad naman siyang bumitaw sa palda ko.

"Yaya kasi! Ang kulit! Sabing magsuot na nga daw ng 
sapatos eh!"sabi niya at kinuha ang sapatos sa yaya niya.

Tingnan mo tong batang to. Nanisi pa ng iba.

"Sorry po Mam."sabi nung yaya niya at sinundan na si Yohan.

Tinanguhan ko lang siya at inayos ko muna yung nagusot kong palda. Ang tagal naman ni Zeke!

Pag ako nainip mauuna na'ko! Bahala siya.

Kinuha ko yung cellphone ko. Punong-puno ng messages galing sa mga gaga.

Bilisan mo!

Late ka na! Lagot!

Walang pasok! Haha!!

Huy! Nasan na kayo?

Ate Jenna! Dalhan mo'kong marshmallows!

??

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now