Chapter 90: Harley's Revelations 5

195 10 0
                                    

-continuation of flashback-

Harley's POV

Kahit hirap ang kalooban, pinatatag ko ang sarili ko. Hahakbang na sana ako palapit kay Kuya para tulungan siya ng may isang braso ang pumulupot sa leeg ko at kamay na tumakip ng bibig ko.

Nagulat ako don at nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin. Hinila niya ko palayo sa pwesto ko at dinala sa isa sa mga room.

"WHAT THE HELL DO YOU WANT?!"

Inis na inis na sigaw ko. Wala nakong pakialam kung may makarinig man sakin mula sa mga tao sa labas. Sa bigat ng nararamdaman ko hindi ko na alam ang gagawin.

Si Kuya lang ang nasa isip ko.

Lumuwag ang kapit niya sakin at umikot siya sa harapan ko. Halos mapanganga ako ng hindi naman pala lalaki ang humugot sakin mula doon.

It was Andrea.

She's the daughter of that Andrew. Naikwento sakin ni Kuya yon.

Hindi ko alam kung anong kailangan niya sakin. Hindi ko naman siya close at hindi ko din siya nakakasalamuha ng madalas sa school.

Matagal siyang nakatayo sa harap ko at hindi nagsasalita. Blangko ang ekspresyon niya habang nakatanaw sa bintanang nakaharap sa open field kung nasaan ang mga pinapanood ko kanina.

Tinitignan ko lang siya at iniisip pa din kung bakit niya ko dinala dito. Until I've seen a tear fell out from her right eye. Napasinghap siya at mabilis na pinunasan yon. Hinarap niya ko at tinignan ng seryoso.

What the hell does she want?

"I know who you are." panimula niya na ikinasalubong ng mga kilay ko.

"You're the brother of Harvey." pagpapatuloy niya.

Sa pagkakataong yon hindi kona napigilang magreact.

"I am."

Tumango naman siya saka humawak sa sentido niya. Nagsisimula nakong magisip tungkol sa kinikilos niya. Bakit niya ko kinakausap?

"Si Harvey. Malaki ang tiwala ni Daddy sakanya. He's a candidate of being leader of the gang aside from me." sabi niya habang paikot-ikot sa harapan ko.

"Why are you telling me this?"

Sandali siyang tumigil at sumilip ulit sa labas.

"They're dead." she said while looking at me seriously.

Simpleng mga salita lang yon pero pakiramdam ko buong lakas na inihampas sa ulo ko. Hanggang sa naalala ko si Kuya. Naalala ko kung paano ihampas sa ulo niya yung baseball bat. Yung pagngiti niya sakin na parang sinasabing 'Okay lang.'

Tumayo ako at mabilis na lumapit sa pinto. I need to see my brother. Sinasayang kolang ang oras ko sa babaeng 'to.

Nagagalit ako.

Nagagalit ako sa mga ngiti niyang parang pinapaubaya niya na kay kamatayan ang buhay niya. Nagagalit ako sa taong walang awang humampas non sa ulo niya. At mas nagagalit ako sa sarili ko kasi wala akong magawa.

Hindi ko man lang matulungan ang kapatid ko.

"N-no........... Stop saying stupid shits!" galit kong sigaw sakanya at akmang pipihitin na sana ang pinto ng bigla nalang lumipad ang kamao niya papunta sa mukha ko.

Hindi agad ako nakailag kaya tumama yon sa panga ko.

"SHIT! ANO BANG PROBLEMA MO!?"

Hindi siya nagsalita at nanatiling salubong ang kilay at galit na nakatingin sakin.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now