Chapter 54: Amusement Park

1.6K 53 8
                                    

Jenna's POV

"Ahhhhhhhhhhhhh!!!"

"Kyaaahh!! Ang panget mo!"

"Woooooohahahaha!!"

"Ahhhh!! Takbo bilissss!!"

Nandito na mga kami sa loob ng Horror House. At ayan. Kanya-kanya na sila ng sigawan.

Pakiramdam ko mababasag na ang eardrums ko dahil sa mga sigawan nila. Kanina pa yan. Sina France at Kevin di pa nga kami nakapasok nagsisigawan na.
Akala mo mamamatay na eh.

Minsan napapasigaw din ako dahil sa mga hinayupak na nanggugulat dito. Sino ba namang hindi mapapasigaw kung mukhang mga demonyo at impakto ang ihaharap sayo?

Kahit siguro sundalo mapapasigaw din eh.

Naalala ko nung huling pasok ko sa ganito. Wala sa oras na napasugod sina Mommy nun sa Field Trip namin.

Grade 6 kami nun at nagkayayaan ang mga kaklase ko na pumasok dun sa Horror House. Tapos hinila lang din nila ako sa loob para sumama.

Wala na rin  naman akong nagawa kundi lagpasan yung punyetang Booth nayun at hanapin ang daan palabas. Hindi ko tinitignan yung mga impaktong nanggugulat. Basta nakayuko lang ako at kumakapit sa kung sino-sino para hindi maiwan. May narinig pa nga ako nung napunit na damit eh.

Tapos yun na! Bigla silang nagtakbuhan at ako naiwan. Hindi agad ako nakatakbo kasi may humahawak sa braso ko. Nilingon ko kung sino yun. At halos isumpa ko na yung mga kaklase ko sa paghila nila sakin doon.

Hindi ko mawari kung demonyo o impakto ba yung  nasa harap ko. Hybrid ata. Nakakapit siya sakin at ayaw ako pakawalan. Sa takot ko at kagustuhang maka-alis doon. Buong lakas ko siyang sinuntok sa mukha tapos kumaripas nako ng takbo paalis.

Napasugod bigla sina Mommy't Daddy dun at inayos yung gulong ginawa ko. Kasalanan kasi yun ng mga punyeta kong kaklase eh!
Nakagawa pa tuloy ako ng krimen. Haha!! Krimen talaga?

"Ahhhhhhhh!! Ayan na!" sigaw ni Zeke at hinawakan na naman yung kamay ko saka tumakbo. Halos makaladkad ako sa ginagawa niya.

Ang init ng palad niya at ang higpit din ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Ramdam ko na naman yung pawis ko na tumutulo mula sa noo ko. Lagi nalang. He's the only one who can make me feel like this.

"BOOOO!!"

"AHHHHHHHHHHH!!" sigaw na naman nila at nag-unahan na sa pagtakbo.

Eto namang Kumag na kasama ko eh nakitakbo din. Pota! Hindi niya ba naiisip na nakakaladkad ako sa ginagawa niya? Nakahawak pa din siya sa kamay ko at takbo lang ng takbo. Ang hahaba kaya ng binti niya. Ano namang laban ng binti ko?

Nakakaramdam na din ako ng pagod dahil sa takbuhang ginagawa namin. Hindi ko na din masigawan kung sino yung mga hinayupak na kumakapit sa damit ko. Halos mapunit na talaga.

May nanggulat na naman at nagsitakbo na naman sila.

May bigla nalang din nangtulak sakin at napabitaw ako sa pagkakahawak ni Zeke.

"Shit!" inis kong sabi at pilit na inaaninag ang paligid. Ang dilim!

Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala na. Naiwan na naman nila ako.

Naririnig ko pa din yung mga sigawan nila pero alam kong  nasa malayo na sila.

Wala nalang din akong nagawa kundi maglakad at hanapin ang palabas. Pinipilit ko na din ang sarili kong pigilin na manapak ng mga nanggugulat. Mahirap na. Baka may demandahan na namang mangyari.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now