Chapter 49: France is Back!

1.6K 57 2
                                    

Kevin's POV
Recess namin ngayon. Halos lahat ng kaklase namin nasa labas. Yung iba naman nandito nagde-decorate ng blackboard.

Tinitingnan ko lang sila. Ang cute ng design ng board namin!
Nilagyan nila ng black na cartolina yung gilid tapos pinatungan ng kulay pink na abacca. Tapos pinalibutan nila yung gilid ng mga cute din na Emojis.

Kung nandito si France sure akong matutuwa yun sa design ng board. Favorite niya kasi ang black at pink. Dagdagan mo pa ng mga cute na emojis.

Speaking of, nawala na naman si France. Nakita ko siya kaninang lumabas. Susundan ko sana kaso sabi nina Noona hayaan ko lang daw.

Hay~

Hindi ko na alam gagawin ko para pansinin niya ko. Lahat na ng klase ng pagpapapansin ginawa ko pero wala pa din.

Ano bang problema niya?

Hindi kasi ako sanay.......

*BLAAGG!*

Napalingon kaming lahat sa pinto ng bigla yung bumukas.

Si France. Gulo-gulo ang buhok at naghahabol ng hininga. Nakahawak pa siya sa mga tuhod niya.

Napansin ko din yung kwelyo niya na gusot-gusot.

Ano nangyari dito?

"France! Ano nangyari sayo? Bakit gusot yang damit mo?"sunod-sunod kong tanong at nilapitan siya.

"H-hehe.......... Wala. Naki-party."sagot niya at tinungga yung bottled water na hawak ko.

0________0

Ininuman ko din yun! Ibig sabihin, nag-indirect kiss kami!
Haha!!

"Hoy saan ka ba galing?"tanong sakanya ni Ate Jenna.

Binalik niya yung bottled water sakin atsaka umupo sa upuan niya. Sa tabi ko.

"Naki-party nga."sagot niya at ngumiti samin.

Ngumiti na siya! Yes!

"Bakit di mo'ko sinama? Marami bang marshmallows dun?"nakangiti kong tanong.

"Meron kaso matigas na."nakangiti niya pa ring sagot.

Nginitian ko lang siya. Kahit di'ko gets yung sinabi niya, atleast nakikipag-usap na siya sakin/samin ngayon. Di tulad dati.

At inaamin ko masaya ako. Kase bumalik na ang dating siya. Yung palangiti at happy go lucky na France na nakilala ko.

"Ay! Ang cute ng blackboard natin!"tuwang-tuwa niyang sabi at tinuro pa yung board.

Napangiti nalang ako. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit siya nagkaganun nung mga nakaraang araw. Ayaw naman kasi sabihin nina Noona eh.

Masaya ako kasi sa wakas! Tumatawa at ngumingiti na siya ulit.

And that made me feel so happy and complete.

*BLAAGG!*

Napalingon ulit kami sa pinto ng bigla yung bumukas at pumasok si Harley na galit na galit.

Sa itsura niya para siyang papatay ng tao. Napansin ko din yung sugat sa bibig niya na dumudugo pa.

Dire-diretso lang ang lakad niya papunta.......................

Papunta sakin??!! Teka, hindi! Sa likod ko!

Nilingon ko si France na todo tago sa likod ko.

"Shit! Yari! Dapat pala di ako dito tumakbo!"narinig kong bulong niya.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now