CHAPTER 18

8K 99 0
                                    

Chapter 18

Inilibot ang mata sa buong kabahayan. Napangiti siya dahil malinis na ulit ito. Inabot na siya ng gabi sa kakalinis , halos di pa siya kumakain simula ng dumating siya sa bahay niya.

Umakyat siya sa kwarto para makapag linis narin siya ng katawan. Nagbabad siya sa bath tub ng trenta minutos bago tuluyang matapos.  Pag katapos maligo ay isinuot niya ang simpleng short at sandong itim na pinatungan niya ng blaser na puti. Kinuha ang susi ng sasakyan sa night stand at wallet tsaka siya lumabas ng bahay. Kailangan niya ng mag grocery dahil pahinga niya naman bukas.

Pagkalabas niya ng bahay ay nag tungo siya sa garahe at sumaky ng sasakyan niyang Mustang. Pinaharurot niya ito papunta sa pinakamalapit sa store sa village. Mabilis naman siyang nakarating at nag park sa tapat ng grocery store. Pagkatapos i-park ang sasakyan sa harap ng ay dahan dahan siyang lumabas sa sasakyan at pumasok sa loob.

Halos naikot niya na ang loob ng store dahil sa sobrang dami niyang kailangan sa bahay. Akmang mag lalakad na siya papunta sa counter ng mahagip ng mata niya ang nutella.

Biglang lumiwanag ang mukha dahil sa nakita. Sobrang paborito niya ang chocolate spread na yun, kaya naman kumuha siya ng tatlong malalaking bottle nito at inilagay sa cart atsaka nakangiting pumunta sa counter.

Pagkatapos magbayad at mailagay lahat ng pinamili sa mga paper bag ay inilagay niya ulit yung sa cart at itinulak ito palabas ng store.

Dahan dahan niyang inilagay ang mga pinamili sa back compartment. Umikot siya papuntang driver seat at binuksan ang pinto tsaka siya sumakay. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan para makauwi agad. I'm fucking hungry.

Mabilis naman siyang nakauwi dahil malapit lang naman ang store na pinagbilhan niya. Pagbaba na sasakyan ay agad siyang umikot para kunin lahat ng pinamili sa likod nito.

Nakadalawang balik siya sa labas ng bahay dahil sa dami , halos wala ng space sa bawat cabinet pati narin sa ref. Kaya naman yung iba ay hindi niya na inilabas pa sa paper bag.

Nagpainit siya ng tubig at naupo sa mataas ng stool na halos kapantay na ng bewang niya para hintayin na kumulo ito. Ilang minuto lang simipol na ang pinagpapakuluan ng tubig at ibig sabihin ay mainit na. Umalis siya sa pagkakaupo at kumuha ng dalawang cup noodles at nilagyan iyon ng mainit na tubig.

Kumuha siya ng tray at nilagay duon ang dalawang cup noodles , gutom siya kaya naman dalawa na ang niluto niya. Tinatamad pa siyang magluto ng ulam at kanin. Matagal pa bago ito maluto kaya noodles muna.

Binuksan niya ang T.V at nagsimula ng kumain. Sarap na sarap siyang kumain ng may marinig siyang katok mula sa pinto. Kunot nuo siyang napatingin sa pinto sabay nagtanong.

" Who's that? " Tanong niya pero hindi ito sumagot. Inilapag ang hawak na pagkain at padabog siyang tumayo at naglakad patungo sa pinto. Binuksan niya ito at ganun nalang ang gulat ng makita kung sino ang nakatayo sa harap niya habang ang kamay ay naka suot sa bulsa. What the fuck? Is this for real?

Pagkatapos ng nangyari kanina sa Airport ay may gana pa itong magpakita sa kanya. How pathetic is this?

" What? " Walang emosyon niyang tanong. Akmang hahawakan siya nito pero mabilis niyang iniwas ang braso. " Hands off! " aniya

" What do you want? " Tanong niya. Simple itong napangiti dahilan para mairita siya.

" Is your husband is there? " Tanong nito habang ang mga mata ay nakatuon sa loob ng bahay na parang hinahanap nga ang asawa niya 'kuno'

" He's not here. Why? " Wala naman talaga dito ang asawa niya dahil wala naman talaga siyang asawa.

" Oh? Is that so? Can i come in? " Napairap siya sa hangin dahil sa tanong nito. Kapal ng mukha

" Tsk. Ofcourse you can't, my husband is just over there with his friends so you better go if you don't want to beat up by his handsome fist. " aniya habang nakaturo ang kamay sa isang bahay hindi kalayuan sa bahay niya.

Isasara niya na sana ang pinto ng pigilan siya nito. " Don't! Let me in bab----

" Who's your baby? "

Napatingin siya sa likod nito at ganun nalang ang gulat ng makita ang nag mamay-ari ng pamilyar na boses. Parang napako ang mga paa niya at halos sumabog ang dibdib niya nang makita ang binata na nakatayo na sa gilid ni brett habang ang kamay nito ay may hawak na isang kahon ng pizza.

Naglakad ito palapit sa kanya at pinulupot ang braso sa bewang niya.

" Who's your baby? Huh? " Maangas nitong tanong. Halos hindi siya makagalaw sa kinakatayuan niya dahil hindi niya inaasahan na darating ito. Holy shit! Sana panaginip lang to!

" Ano? Tatayo ka lang ba diyan?" Dagdag pa ng binata. Napahigpit ito ng kapit sa bewang niya sabay halik sa gilid ng ulo niya.

" I will get you madison. " Sabi ni nick at nag martsa paalis sa bahay niya.

Hindi na nag salita pa ang binata na nasa tabi niya at Hindi parin pantay ang pag hinga niya dahil ang kamay ng nito ay nanatili sa bewang niya.

Tumikhim siya at napatingin naman ang binata kaya naman tinaggal na nito ang pagkakapulupot ng kamay sa bewang niya.

" Still bothering you? " Tanong nito na parang wala lang ang nangyari. Hindi niya sinagot ang tanong kundi siya naman ang nag tanong dito

" Bakit ka nandito? "

" I'm living next door." Sabi nito sabay turo sa magarang bahay na nasa tabi ng bahay niya. " And I want to be with you. " Halos di siya makapaniwala, ilang taon na siya dito nakatira pero ngayon niya lang nalaman na may gwapo pala siyang kapit bahay.

" So now , answer my question woman. " Sumandal pa ito sa gilid ng pintuan, halos ilang sukat nalang ang layo ng katawan nilang dalawa.

" Yeah. Hindi parin siguro maka move on, so that's why. Bakit mo natanong? "

Napailing ito. " Just curious "

" By the way , wanna eat pizza with me? " Inilahad nito ang pizza sa harap niya. Kung iisipin parang wala ding nangyari sa kanila. E siya tong dahilan kung bakit sila nag hiwalay ni brett two years ago.

Ang sama niya naman siguro kung tatanggihan niya ito. Napaparami na ang utang na loob niya sa binata kaya naman siguro ito na ang pang bawi niya

Ngumiti siya at naglagay ng distansya para papasukin ito.

" Yeah! I can't say no for that, pizza is my style. "

" Yeah. But how about me? "

" Fuck off nick! " Pag kasabi niya ay narinig niya itong tumawa.

Wet The Bed 1: Nicholas HeochlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon