Chapter 24
Alas kwarto palang ng madaling araw ay gising na si Madison. Unang araw niya sa trabaho at istrikto ang boss niya kaya naman kaylangan niyang pumasok ng maaga.
Hindi niya kabisado ang ugali ni Nick pag dating sa trabaho. Hindi niya alam kung ano-ano ang mga patakaran ng binata.
Hinubad niya ang suot na blusa at naglakad patungo sa banyo. Hindi siya sanay maligo ng umaga dahil ang pasok niya sa Morino Hospital ay 1pm to 1am. Mula noong dumating siya sa bahay niya ay ngayon niya nalang ulit magagamit ang heater. Itinapatniya ang katawan sa iabba ng showek at halos tumirik ang mata niya ng dumampi ang mainit na tubig sa kanyang balat. Fuck!
Hindi na siya nag babad at baka mag kasakit lang siya. Mabilis siyang natapos maligo. Malapit ng mag ala singko. Naglakad siyang naka hubad palabas ng banyo. Isinuot niya ang itim na undies na naka patong sa kama at ang kapareho nitong itim na bra. Nag suot muna siya ng white na sando at masikip na puting short para hindi halata ang undies at bra niya. Sunod niyang isinuot ang uniform na ibinigay ng sekretarya ni Nick na sobrang fitted sa katawan niya na halos kitang kita ang kurba ng katawan niya.
Humarap siya sa salamin at isang ngiti ang gumuhit ng makitang bagay na bagay sa kanya amg pagiging doktor. Halos dalawang taon din siyang huminto.
Itinali niya ng mataas ang buhok sa kadahilanang tinatamad siyang ayusin ito. Ganoon lagi ang aura niya sa tuwing papasok. Laging naka taas ang buhok at lagi siyang may sout na lab gownPagkatapos niyang ayusin ang sarili ay mabilis siyang lumabas ng bahay niya dala ang lab gown at susi ng sasakyan.
Pag sara niya ng pinto ay nagtungo siya sa garahe. Akmang bubuksan niya na ang pinto ng driver seat ng may biglang bumusina sa labas ng gate niya. Kunot noo niya itong nilingon at ganun nalang ang gulat ng makita niya si Nick na naka sakay sa isang magarang sasakyan. Nakabukas ang bintana nito kaya kita niya ang mukha ng binata.
Biglang bumilis ang tibog ng puso niya. Tinitigan niya ito at hinintay na mag salita. Habang tumatagal ay napapangiti siya at mas lalo niyang napapagtanto na sobra ang taglay nitong kagwapuhan. Nakakalaglag panty. Ang mala tsokolate nitong mata. His perfect lips , his perfect jaw line and his proud nose. So adorable. Amazing. Fucking amazing.
" Staring is rude. " Napa-igtad siya ng bigla itong mag salita. " Come on in, tutal parehas naman tayo ng pupuntahan. " Dagdag pa nito.
Umiling siya at ini-angat at kamay na may hawak ng susi. " I have my car. " Aniya at mabilis na tinalikuran at pumasok siya sa loob ng sasakyan. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng kabog nito. Iba na. Iba na.
Pinaandar niya ang makina at akmang tatapakan ang silinyador ng tumunog ang telepono niya. Kinuha niya ito mula sa bag at mabilis na sinagot.
" Sesante o sasakay ka sa sasakyan ko? " Anang lalaki sa kabilang linya. Kilala niya kung kanina ang boses na iyon. Napairap siya sa hangin at pinatayan ito ng tawag.
Kinuha niya lahat ng gamit at lumabas ng sasakyan. Nag mamartsa siyang nag tungo sa labas ng gate. Nakita niya pang naka ngiti ang binata. Hindi niya alam kung ano nanaman ang pumasok sa kokote ng lalakimg to at gusto siyang pasakayin sa sasakyan samantalang marunong at may sarili naman siyang sasakyan.
Naupo siya sa tabi ng driver seat kung saan katabi niya si Nick. Salubong ang kilay habang naka tingin siya sa labas ng bintana. Wala siyang balak na mag salita dahil wala naman siyang sasabihin.
Pinaandar ng binata ang sasakyan at mabilis na pinaharurot patungo sa hospital.
Halos mabingi silang dalawa dahil sobrang tahimik at ni isa sa kanila ay wala yata balak na mag salita. Pinaglalaruan niya ang daliri habang kagat kagat ang pang ibabang labi.
BINABASA MO ANG
Wet The Bed 1: Nicholas Heochlin
عاطفيةWARNING: SPG /R- 18| " You're Mine madison. Simula pa lang sakin kana! Ayokong umaalis ka sa tabi ko kasi sakin ka! Mababaliw ako pag hindi ka nakikita, Oo na! Sabihin mong baliw na talaga and that's because of you, I'm obsess with you, for god sake...