*Zera's POV*
Nagising ako sa isang mahinang tapik ni Ate
Joke lang!
Nagising ako sa malakas na hampas ni Ate.
"Uy gising na! Lalim ng tulog mo ah? Gusto mong maiwan dito?!" bulyaw niya
"Bakit ba?!" Inis kong tanong
"Anong bakit?! Bababa na tayo ng eroplano! Nasa Korea na tayo!" Sabi niya sabay tayo at iniwan ako
Naiwan akong nakatulala sa inuupuan ko
Ano ba yung napanaginipan ko? masyadong nakakatakot na nakakalungkot.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko? Ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama ng babae sa panaginip ko. Haysssssttt! Panay kase ang panood ko ng drama eh yan tuloy pati sa panaginip ko sumasama.
"Uy ano may balak ka talagang magpaiwan dito?"
"Oo na tatayo na nga"
Tumayo ako at kinuha na ang mga bagahe namin.
Ako nga pala si Zera Hope Ramirez. 17 years old. Taga Pilipinas. May dalawang kapatid. Si Ate Zia na 22 years old na kasama ko ngayon at si John Zeus na 14 years old na naiwan sa Pilipinas kasama sila Mama't Papa.
Oo nasa Korea kami ngayon dahil sa trabaho ni Ate. 3 months lang naman at babalik din kami agad. Bakasyon na din naman namin kaya isinama niya ako dito. Kailangan niya daw ng kasama sa bahay sa tutuluyan niya at magbabantay kapag may pasok siya. In short, katulong bes. Pero okay lang at least nakapuntang Korea.
Pagkababa namin ay kaagad may sumalubong sa aming isang lalaki.
"Carl!" nakangiting sigaw ni Ate sa lalaki.
Matangkad, gwapo. Pwede na.
"Hey. Welcome to Korea" saad nito
"Thank you" pabebeng sabi ni Ate sa lalaki
"Ehem" kunwaring ubo ko dahilan para tumingin sa akin ang lalaki at ngumiti
"Sino siya?" tanong niya kay Ate
"Ah siya? Yaya ko"
Watda?! Ang ganda ko naman para maging yaya mo!
"Haha ang gandang yaya naman niyan"
See? Ganda ko daw!
"Sige na nga. Lalaki lang ulo niyan eh. Yan nga pala yung kapatid ko, si Zera" pagpapakilala sa akin ni Ate