"Jaymie ang sinabi ko bakit Jaymie ba pangalan mo? Kanina tinatawag kitang Pogi pero ayaw mong lumingon tapos ngayong Jaymie yung sinabi ko, lilingon ka? Ano ka bakla?" bahagya kong nakita na umigting ang panga niya. Bakit e sa totoo naman yung sinasabi ko.
"Oppa, Zera! Magkakakilala na kayo?" bungad sa amin ni Jaymie nang makalapit ito.
"Oppa?" tanong ko na naguguluhan. Paano niya magiging kuya 'to?
"Oo. Brother ko siya. Kapatid ko" nakangiting sagot ni Jaymie sa akin
"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko
"Half brother to be exact" seryosong sabi ng lalaki bago pumasok sa loob ng bahay nila Jaymie.
Nawala ang ngiti sa labi ni Jaymie at natahimik.
"Problema n-"
"Tara Zera, pasok tayo sa loob"
"Nandyan ba Mama't Papa mo?"
"Oo"
"Alam ba nilang pupunta ako?"
"Oo"
Gaya ng aking inaasahan, malaki at maganda ang bahay nila. Ganito pala kayaman sila Jaymie ngayon?
"Ma, Pa. Si Zera po kaibigan ko" pagpapakilala sa akin ni Jaymie sa magulang niya
"Hello po. Magandang araw sa inyo" bati ko
"Magandang araw din sa'yo. Hindi mo sinabi Jaymie na maganda din pala itong kaibigan mo"
Ganda ko daw? Hahahahaha! Pano ba yan Papa na ni Jaymie ang nagsabi? Hahahahaha ang ganda ko!
"Jaymie. Tulungan mo akong ipaghanda ng makakain ang kaibigan mo" sabi ng Mama niya. Nakakatuwa dahil ang galing magtagalog ng mama niya. Hindi mapagkakamalang marunong siyang magtagalog dahil isa siyang Koreana. Ang galing talaga, hindi ko mapigilang tumawa.
"Bakit ka tumatawa hija?" tanong ng Mama ni Jaymie.
"Ah wala po, ang cute niyo po kasing magtagalog. Ang ganda niyo pa po" pangbobola ko este pangpupuri ko. Walang halong biro maganda talaga ang bagong Mama ni Jaymie.