"Unnie sunod ka." sabi ni SaeRon bago umalis. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at idinial ang number ni Jaymie.
*Hello?* - Jaymie
"Hello Jaymie!"
*Oh? Napatawag ka?*
"Ikaw ah! Madami kang ikukwento sa akin pag-uwi mo!" Medyo naglakad ako palabas hanggang sa makarating ako sa garden nila.
*Ano namang ikukwento ko sayo?*
Sus! Maang-maangan pa ang loka.
"Nakoh! Humanda ka sa akin pag-uwi mo!"
*baka ikaw ang madaming ikukuwento sa akin pag-uwi ko? Hmmmmmmmm*
Ano namang gustong palabasin ng babaeng 'to? Binabaliktad ata ako eh.
"Anong ibig mong sabihin?"
*tsk tsk tsk! Diba nakatira ka ngayon sa bahay nila YOUNGJAE?! So, anong ganap? May nangyayari na ba???? Kyaaaaahhhhhhhh!!!!!!* sigaw niya sa kabilang linya. Bahagya ko pang inilayo ang cellphone ko dahil ang sakit sa tenga ng tili niya. Bunganga talaga.
"Ano bang pinagsasabi mo? Anong nanagyari? Bastos ka ah! Kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig mo."
*ay wow! Kung di ka din naman pala green minded Zera eh.*
Errr?! Ako pa gm ngayon ha?
"Hindi ako green minded ah! Ikaw yun. Ingat-ingatan mo kase yung mga salitang binibitiwan mo. Mamaya may kung sino pang makarinig niyan sa'yo"
*Oy teh! Koreano mga tao dito. Iilan lang kaming nakakapagtagalog kaya hindi nila ako maiintindihan.*
Sussss!!!
"kahit na no. Paano kung yung kuya mo makarinig sayo? Papa mo? Mom mo? Oh? Edi huli ka din?"
