Chapter 24

12 0 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana kaya't agad akong pumasok ng banyo at naghilamos. Pagkatapos ay bumaba ako kaagad ngunit wala akong nakitang ibang tao.

Nasaan si Ate? Dapat gising na yun dahil may pasok pa ata siya...

Pumunta ako sa kwarto niya pero wala akong nakitang tao dun. Pumasok ako sa loob at chineck ang loob ng kanyang banyo baka sakaling naandon siya pero wala pa din.

Nagtungo ako sa may sala pero wala pa din siya. Sumunod kong pinuntahan ang kusina at dining area pero wala...

Umupo na ako mesa at nakapalumbaba habang iniisip ang nangyari kagabi.

Hindi maganda ang nangyari dahil nag-away kami ni Ate bago ako matulog.


May mali din naman kase siya pero may mali din ako. Sabihin na nating pareho kaming mali at hindi kami nagkaintindihan. Ngayon, umalis siya sa bahay ng hindi kami nag-uusap o nagkaka-ayos. Hindi naman kami ganun dati. Hindi namin hinahayaan na magsimula ang panibagong araw nang may sama kami ng loob sa isa't-isa... Nag-aaway kami palagi pero hindi ganito. Wala sila Mama na magsusuway sa amin kapag nagkakataasan na kami ng boses. Wala sila Mama para sabihin sa amin na suyuin ang isa.. Wala sila Mama kaya ganito kami ngayon.

Ngayon ko lang napansin na may nakatakip sa ibabaw ng mesa. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang pagkain na almusal ko. Sa tabi ay may sulat kaya agad ko iyong binasa...




'Hoy! Pinaghanda na kita ng almusal mo dahil nakakahiya naman sayo! Umalis na ako agad dahil kailangan kong agahan ang pagpasok dahil nga may problema sa trabaho namin. Hindi na kita pinuntahan sa kwarto mo at gisingin ka dahil ayoko pa makita ang mukha mo! Baka akala mo porke pinagluto kita ng almusal mo okay na tayo?! Naiinis pa din ako sayo alam mo ba yon?! Oo naiinis talaga ako kaya humanda ka sa akin kapag uwi ko mamaya! Maghintay ka lang at mag-uusap tayo! At bawal kang lumabas ng bahay naiintindihan mo? Maglinis ka diyan para hindi tayo dapuan ng sakit. Wag ka munang lumayas-layas Zera sinasabi ko sayo! Nais ko lang ipaalala sayo na ang pangit mo! Lalo na yung itsura mo kagabi nung nagdrama ka hahahahaha! Pero seryoso ako mag-uusap tayo mamaya!


Dyosa mong Ate,
Ate Zia.'



Pagkatapos kong mabasa ang sulat ay napangiti ako. Kakaiba talaga si Ate.. Alam ko namang hindi ako matitiis nun kaya nga ako pinagluto ng almusal ko eh. Kunwari pa siyang galit sa akin pero ramdam ko namang hindi na siya galit. Ayaw niya lang ipakitang napatawad na niya ako agad.


Sa Mundo Ng Ating Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon