Chapter 11

24 3 0
                                    

*Tok Tok Tok*

Ilang segundo akong naghintay para may magbukas ng pinto. Pero hanggang ngayon wala pang nagbubukas.


*Tok Tok Tok*

Naghintay ulit ako pero wala pa din talagang nagbubukas. Bahala na, kung ayaw mo magbukas ako na lang. Pumasok ako sa loob ng kanyang kwarto pero hanggang sa pintuan lang ako.

Nakaupo ito sa kama at kaharap ang laptop habang nakasalpak sa kanyang tenga ang headset.

"Ehem!" pagkukunwari kong ubo para mapansin niya. Pero hindi niya naman ako narinig. Oo nga pala paano niya ako maririnig kung may headset na nakasalpak sa tenga niya? Engot ka din Zera eh!

"What are you doing here?" nakakagulat ang bigla niyang pagsasalita. Nakatingin na pala siya sa akin at wala na siyang suot na headset.

Lumapit ako sa kanya.


"Inutusan ka ba niyang pumunta dito?" Tanong niya at umiling ako. "Bakit ka naandito? Anong kailangan mo?"


Umupo ako sa may dulong bahagi ng kama niya at tumingin sa bintana.


"Kailangan ko? Kailangan kong magbago ka" nakatingin pa din ako sa bintana at natatanaw ang asul na kalangitan


"Magbago? Haha at bakit ko naman gagawin yun? Sino ka ba?" Tumayo ako at tumingin sa kanya




"Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala. By the way, ako nga pala si Zera Hope Ramirez. 17 years old, from the land of happiest people on earth even we don't have money, Philippinesssss"
Nakakunot ang kanyang noo habang pinapanood akong iwinawagayway ang aking kamay sa ere. Napansin kong mukha na pala akong tanga kaya bumalik ako sa pagkakaupo. "Kaibigan kasi ako ni Jaymie na kapatid mo. Kailangan mong magbago para sa kanya. Para sa kapatid mo"

"Tss. Hindi ko nga siya kapatid!" Iritado niyang sabi bago isinara ang laptop.

"Tsk tsk tsk. Wag ako oy iba na lang! Alam ko naman ang dahilan kung bakit ka galit na galit sa kapatid mo"


"Why do you care?"



"Paulit ulit? Kasi nga kaibigan ko siya. At hindi ko lang maatim yung pagtrato mo sa kanya"





Sa Mundo Ng Ating Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon