*Zera's POV*
Patuloy pa din ako sa pag-iyak. Hindi ko na nga alam kung saan ako nakarating. Umalis din naman kasi si SaeRon dahil may klase pa. Para na nga akong timang dahil umiiyak ako sa daan. Nakayuko akong naglalakad habang umiiyak. Hanggang sa may nabunggo ako dahil hindi ko siya nakita.
"Sorry" sabi ko pero hindi ako tumingin sa nakabangga ko. Lumagpas ako sa kanya at patuloy na naglakad. Nakaramdam ako ng pagod kaya umupo ako sa isang bench. Doon ako umiyak ng umiyak hanggang sa may sumipa sa paa ko.
"Tumigil ka na nga sa kaiiyak mo" sabi nito
Tumingala ako sa nagsalita at nakita ko ang mukha niya.
"Anong paki mo?" Iritado kong sabi.
"Para ka kasing tanga diyan kanina ka pa iyak ng iyak. Ni hindi mo nga ako tinignan nang binangga mo ako" Umupo siya sa tabi ko " Ang pangit mo pala umiyak. Sabagay kahit hindi ka naman umiyak pangit ka pa din"
Hindi ko alam pero natawa na lang ako at itinulak siya.
"Kainis ka. Kahit kailan talaga bwisit ka" sabi ko ngunit natatawa
"C'mon let's eat?" tanong niya
"Wow himala! Close na tayo boy?" tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala
"Ayaw mo? Edi wag" patayo sana siya pero bigla ko siyang hinila pabalik sa kinauupuan niya.
"Teka lang, ito naman ang bilis magtampo. Libre mo ba?" Nagniningning ang aking mata dahil kumakalam na din ang aking sikmura
"Malamang"
Hinila ko siya sa pagkakaupo bago ako kumapit sa kanyang braso at naglakad. Tinanggal pa nga niya ang pagkakakapit ko sa kanya dahil baka may iba daw makakita na kasama niya ang isang babaing pangit at iskandalosang katulad ko. Ang harsh diba? Pero isang malaking batok lang ang ibinigay ko sa kanya.
"Ngayon alam mo na ang feeling ng binabatukan?" Tanong ko sa kanya
"Bwisit" bulong niya sa kanyang sarili.
Diba palagi niyang binabatukan yung mga kaibigan niya? Pwes, ako na ang gumanti para sa kanila. Pasensya na kayo kung feeling close ako sa kanya ngayon kahit pa hindi ko pa din makalimutan ang ginawa niya sa akin noon. Nagugutom na kasi ako at pag dating sa pagkain wala akong tinatanggihan.