Chapter 7

41 4 2
                                    

"Aalis na ako be, maglinis ka ng bahay ah" bilin ni ate sa akin

Sabi sa inyo katulong ang role ko dito

"May sakit ka ba? Dalawang araw ka nang ganyan ah? Uminom ka ba ng gamot?" pag-aalala niya

"Wala 'to ate, inatake lang ng katam" palusot ko

"Katamaran? Oh siya labanan mo yan at maglilinis ka pa. Aalis na ako" pagpapaalam niya

Umalis na nga si ate at sinimulan ko na ang maglinis

Habang naglilinis ay hindi ko pa din makalimutan yung nangyari. Hindi pa dumadalaw si Jaymie sa bahay dahil may pasok pa siya. Natapos ako sa paglilinis at naaamoy ko na ang sarili ko. Makaligo na nga lang.

Aalis ako mamaya para bumili ng ilang gamit pang personal at pagkain

Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong lumabas. Kasalukuyan akong nagbabayad sa counter nung may nakita akong familiar na mukha na papasok sa loob nitong convenient store.

Agad kong kinuha ang pinamili ko kahit pa hindi ko pa nakukuha ang sukli ko. Hayaan na barya lang naman yun. Sumabay ako sa lalaking palabas na din ng store at matiwasay akong nakalabas nang hindi napapansin ni YoungJae. Dali-dali akong tumakbo palabas para hindi niya na ako maabutan kapag lumabas na siya pero sa paglabas ko ay inabot pa din ako ng kamalasan kapag nakikita ko si YoungJae.



*Booogggsshhhhh*


Lintek! Ano ba naman yan! Natapon lang naman ang pinamili ko sa daan pagkatapos kong may makabunggo. Bakit kase tumatakbo ka kuya?

Napahawak ako sa balakang ko. Natumba din kase ako sa lakas ng impact ng pagkabangga niya sa akin.

Ang sakit!

Nakita kong may babaing papalapit sa amin. Sumunod na din ang mga pulis.

Ang O.A naman ata bakit kailangan pa ng Pulis? Nabunggo lang naman ako.

Kinuha ng isang dalaga ang bag sa lalaking nakabungguan ko. Kinuha na din yung lalaki ng mga pulis. Sa tingin ko magnanakaw yung nakabunggo ko kaya may pulis. Inalalayan din ako ng pulis na makatayo. Kinuha ko kaagad ang mga pinamili kong nagkalat sa daan. Nakakahiya pa nga dahil nakita nila yung pang personal kong gamit. Tumakbo ako kaagad papalayo sa lugar na iyon dahil baka palabas na si YoungJae at makita pa ako.
Narinig kong tinatawag pa ako ng babae pero hindi ko na siya nilingon dahil nagmamadali na talaga ako.








*YoungJae's POV*

(A/N: Magtatagalog yung characters ko dito ha. Secret muna yung reason bakit sila nagtatagalog)

-------------------------------------




Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumili ako ng inumin pati na din ng makakain sa isang store. Napukaw ng aking atensyon ang isang babaeng nagmamadaling lumabas. Tinatawag siya ng cashier dahil iniwan ang sukli nito. Nagbayad ako kaagad sa counter at nakita kong nagkakagulo sa labas. Wala sana akong paki kaso nakita ko ang kapatid kong may kinakausap sa labas. Agad akong lumabas.

Sa Mundo Ng Ating Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon