*Kinabukasan*
"Ate... Anong nangyari sa trabaho niyo bakit nagkaemergency?" tanong ko habang pinapanood ko siyang nagmamadaling mag-ayos papasok.
"Basta may problema hindi mo kase maiintindihan kapag pinaliwanag ko sayo. At nagmamadali ako nakikita mo ba? Aalis na ako ah ikaw na bahala dito. Bye na." Paalam niya bago lumabas ng pinto at sumakay sa sumundo sa kanyang car.
Paikot-ikot lang ako sa buong bahay hanggang sa dumating na si Ate at kumain na kami ng hapunan.
Ngayon ay mag-isa ako sa kwarto at hindi pa din makatulog habang si Ate mahimbing na natutulog na sa kanyang kwarto.
Nagbabasa ako ng isang magazine nang tumunog ang phone ko kaya agad kong kinuha ang phone ko at tinignan kung sino ang tumawag.
"Bakit tumatawag si SaeRon?" kaagad kong sinagot ang tawag. "Hello?"
Ay engot! Nakalimutan kong may number pala ako ni SaeRon! Naabala ko pa tuloy si Jaymie at MinSeok!
Nagkapalitan kasi kami ni SaeRon ng number nung nasa bahay pa ako nila.
"H-Hello Unnie? I-I need your...help."
"Oh bakit? May problema ba?"
"Si O-Oppa kasi... hindi pa umuuwi. Kanina ko pa tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang phone niya."
"Baka naman gumala pa."
Lalaki yun kaya madami pa yung pupuntahan na kung saan-saan.
"Magsasabi naman kasi yun sakin kung gabi na siya makakauwi... P-Pero wala siyang tawag man lang. Unnie nag-aalala ako para kay Oppa."
Ano namang magagawa dun?
"Alam mo ba kung nasaan ang Kuya mo?" tanong ko
"I don't know.. pero may kutob ako na nasa isang bar siya na lagi niyang pinupuntahan kapag may problema siya..."
"Edi puntahan mo na."
"Unnie, hindi ako pwede... Hindi ako papapasukin dun dahil underage ako... I'm only 15."
"Anong gagawin natin? Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Unnie please... Pakipuntahan naman siya.. Sasamahan na lang kita pero ikaw ang kailangan na pumasok sa loob para mahanap siya. Samahan mo ako please..."
