Kumuha ako ng isang pito sa bag. Good thing at lagi kong dala ito sa bag.
*Prrrrttttttt!!!!! Prrrrrrtttt!!!!*
Agad nagtakbuhan ang mga lalaking kalaban ni YoungJae. Akala siguro nila pulis ako.
Tumakbo ako palapit kay YoungJae
"YoungJae! Anong nangyari sa'yo? Nabugbog ka ba ng husto? Ano? Saan masakit ha?" tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa mukha niya.
"I'm okay. No need to care hindi naman ako nasaktan. Hindi nga ako pinagpawisan"
"Wow ang yabang. Sana pala nabugbog ka na lang"
"Really? Kaya mo ba akong makitang sinasaktan?" Inilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin.
"O-oo! Bakit sino ka ba para kaawaan ko?"
"Ouch! Ouch! Fuck!" atungal niya habang namimilipit sa sakit. Hinawakan ko ang mukha niya kaagad para alalayan.
"Hoy ano na? Akala ko ba hindi ka nasaktan? Ikaw kasi ang yabang yabang mo. Ano bang gagawin ko? Magsalita ka para malaman ko! Natataranta naman ako sa'yo eh!" pero imbis na muka siyang nahihirapan, eh nakangiti pa siya.
"Kainis ka!" tumalikod ako at nagsimulang lumakad.
"Admit it. You're just concern!" sigaw niya
"Che!" sigaw ko at binilisan ang paglalakad pero hinabol niya ako at inakbayan. "Close ba tayo? Kung makaakbay ka diyan" reklamo ko.
"Kailangan pa bang maging close tayo bago kita akbayan?" nakataas kilay na naman niyang sabi.
"Oo! Dahil ganun sa pilipinas. Ang mga babae d'on pinaghihirapan"
"Well, we're not in the Philippines"
"Aba! Kailangan pa bang nasa pilipinas tayo before you respect girls?" Ngumisi lang siya bago naunang maglakad.
"Hoy! Answer my question!" sigaw ko pero hindi ako nilingon. Kainis!
Malayo na din ang nalakad namin ni YoungJae at ngayon ay may hawak akong dalawang ice cream. Akin lang itong dalawa dahil ayaw niya naman dahil malamig daw. Para sa akin walang malamig na panahon basta may ice cream ako.