Chapter 20

29 1 0
                                    

Masyadong malalim na ang gabi kaya't pinatulog na ni YoungJae si  SaeRon.

Gusto pa ngang sa iisang kwarto na lang kami matulog dahil gusto niya akong kasama. Hindi ako pumayag dahil baka maingayan lang siya at nanananday ako ng katabi kapag tulog. Baka ma-wrestling ko yung bata eh.

Umupo ako sa wooden bench nila na may wooden table. Malapit ito sa kanilang swimming pool. Tanaw ko ang mga bituin na nagkikislapan sa ganda.

Kamusta na kaya sila Mama? Papa?
Namimiss ko na din asarin yung kapatid ko. Malimit lang kasi akong makatawag sa kanila dahil mahal ang bayad.

"Bakit gising ka pa?"

Lumingon ako at nakita ko si YoungJae na nasa likod ko na pala.

"Hindi ako makatulog eh."

"Why? Not comfortable?" iniabot niya sa akin ang dala niyang baso na may lamang gatas.

Seryoso gatas?  Bata lang? Haha. I wonder kung gatas din yung laman ng isa niya pang baso.

"Namamahay lang." sagot ko.

"Namamahay? Ano yun?" nakakunot na noo'ng tanong niya.

"Hahahaha! Hindi mo alam yung namamahay? Akala ko ba magaling ka magtagalog?" ininom ko ang gatas habang pinapanood ko siyang umupo sa harap ko at nakakunot pa din ang kanyang noo.

"Wala akong sinabing magaling akong magtagalog."
malumanay niyang sabi bago padabog na ipinatong sa ang baso sa mesa. "Ano ba kasi yun?" tanong niya pa bago ngumuso.

Amp. Ang cute!

"Namamahay... Yun yung...."

Ano nga ulit ibig sabihin nun?

"Yung?" nakaabang niyang tanong

"Yung......"

Anak ng. Nakalimutan ko nyemas!

"Alam mo ba talaga? Akala ko ba magaling kang magtagalog?"

Errr. Ibinalik niya lang sa akin yung sinabi ko kanina eh.

"Alam ko yun. Nakalimutan ko lang."

"Tss."

Inubos ko ang gatas na binigay niya sa akin habang nakatingin pa din ako sa kanya. Lumalaban din naman siya ng tingin sa akin.

"Laro tayo." aya ko sa kanya nung maubos ko ang gatas.

"Game? Do you think you're still a children?" matawa-tawa pa niyang tanong.

"Laro tayo." pag-uulit ko.

"Fine. Anong laro?" walang gana niyang tanong at kinuha ang kanyang baso at ininom.

"Kwentuhan tayo."

"Laro ba yun?"

Sa Mundo Ng Ating Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon