Ano na kayang pinag-uusapan nila ngayon? Siguro kamatis na kamatis na ang mukha ni Jaymie ngayon!
Hahaha si MinSeok kaya? Sana naman magtapat na siya sa kaibigan ko, aba wag syang torpe! Lakas maka-turn off sa lalaki yun. Tsk.
"You can let go of my hand."
Agad kong binitawan ang kamay niya. Kanina pa pala ako nakadikit at nakahawak sa kanya.
Paano kasi kinikilig ako sa Team JaySeok! <3
"Masyado kang enjoy na enjoy sa akin."
"Err?" ano na namang kinain nito at lumalaki na naman ang ulo?
"Umuwi ka na nga sa inyo."
"Naghahanap ako ng matutuluyan ngayong gabi."
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako.
"What do you mean naghahanap ng matutuluyan? May bahay ka diba?" nakataas kilay niyang tanong.
"May out of town trip si Ate ngayon at 3 days siyang wala sa bahay. Ayokong mag-isa sa bahay kasi, natatakot ako. Hindi ako sanay mag-isa. May takot ako sa walang taong bahay."
Nakatitig lang siya sa akin habang nagpapaliwanag ako. Nilabanan ko din siya ng tingin.
Paano kaya kung ....
"Sa inyo na lang kaya?!"
"What?! No way!" Mataray niyang sabi sabay talikod sa akin at pinagpatuloy ang lakad.
"Bakit hindi lang naman ikaw ang tao sa bahay niyo ah? Andun din si SaeRon. Plus may katulong pa kayo. So, ibig sabihin hindi masama kung sa inyo muna ako titira."
"Masama. Because My mom was there."
Oo nga noh? Pangit nga naman kapag uuwi siyang kasama ang isang babae at sasabihin sa mama niya na kung pwede akong tumira dun? Para naman kaming magtatanan nun.
Hayyy ang pangit!
Pero kailangan ko ng bahay na matutuluyan!
Tumingin ako kay YoungJae na malayo na pala sa akin. Ang bilis naman maglakad nito.
