Hapon na din nang mapagpasyahan kong puntahan sila Jaymie sa school nila. Aabangan ko na lang siya dito sa labas at baka malasin pa ako kapag pumasok ako diyan. Alam niyo naman siguro kung anong nangyari sa akin diyan noong pumasok ako diyan diba?
Kailangan ko kasing makausap si Jaymie kung anong nangyari sa kaniya pagkatapos kong umalis sa bahay nila. Baka kung ano na namang ginawa ng lalaking yun kay Jaymie.
Hindi naman nagtagal at lumabas na din sila. Nakita ko siya malayo pa lang kaya sumigaw ako at kumaway para makita niya kaagad. Pero hindi yata ako nakita.
"Jaymie!" sigaw kong ulit at sa wakas lumingon siya! Pero..... umiwas kaagad siya ng tingin at umiba ng daan.
"Hindi niya ba ako nakita?" tanong ko sa sarili ko
"Sa liit mong 'yan, sa tingin mo makikita ka niya?"
"Ano ba? Bakit bigla-bigla kang sumusulpot?! Ginugulat mo naman ako eh! Bigla-bigla ka na lang nagsasalita!"
"Bakit kailangan ko pa ba ng permiso mo bago ako magsalita?" Ang kapal ng mukha nito sumasagot pa!
"Ewan ko sa'yo maghanap ka ng kausap mo!" tumakbo ako palayo para habulin si Jaymie.
Nahabol ko ito at hinawakan ko siya sa kanyang balikat.
"Kanina pa kitang hinihintay lumabas Jaymie" sabi ko dito ngunit agad niyang inalis ang pagkakahawak ng aking kamay sa kanyang balikat at nagsimulang maglakad.
"Jaymie! Anong problema?" Tanong ko habang patuloy ko siyang hinahabol. Hindi niya ako pinansin kaya inunahan ko siya sa kanyang paglalakad at humarang sa kanyang harapan.
"Jaymie may problema ba?" hindi siya tumitingin sa akin at hindi niya man lang maibuka ang kanyang bibig.
"Jaymie? Ano may problema ba?" ulit ko pang tanong.
"Wala" simple niyang sabi
"Anong wala? Kanina mo pa nga ako iniiwasan. May problema noh? Inaway ka na naman ba ng kuya mo? Inunsulto? Ano? Humanda sa akin yang kuya mo kapag nakita ko!"
"BAKIT KASI KAILANGAN MO PANG MAKIALAM ZERA?!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya maging na din sa kanyang sinabi.