Chapter 8

26 2 0
                                    

"Ate, baka mamaya gumala ulit ako" paalam ko kay Ate. Ayaw ko kaseng mabulok sa loob ng bahay. Sayang naman kung hindi ko masisilayan ang kagandahan ng lugar dito.

"Saan ka naman pupunta at sinong kasama mo?"

"Ako lang mag-isa. Diyan lang naman ako sa park. Tatambay lang" nakangiting sabi ko

"Ikaw talaga mapa-Pilipinas at Korea tambay ka ng tambay" sabi niya habang nag-hahalungkat sa bag niya.

"Ganun talaga. Nature lover ako eh"

"Mukha mo nature lover ka dyan. Galaera ka lang talaga. Oh eto allowance mo, baka hindi ka makauwi kapag wala kang pera" sabay abot niya ng pera sa akin.

"Nice. Gomawo" kinuha ko ang perang bigay ni Ate

"Anong gawa ko? Syempre nag-aayos, papasok na kaya ako sa trabaho"

"Hahahaha sabi ko Thanks. Gomawo means Thanks in Korean"

"Ahhh okay. Araso." [I understand]

"Aba may ganyan ka pang nalalaman ah?" Nagtawanan kami ni Ate hanggang sa dumating yung sundo niya.

Hapon na kaya't gagala na ako. Lumabas ako sa bahay at nagpunta sa isang park malapit sa amin.

"Ang lamig. Nakakamiss ang Pilipinas" bulong ko sabay yakap sa sarili ko. Nakakatuwa dahil may lumalabas na usok kapag nagsasalita ka.

May isang babae ang dumaan sa harap ko. Pero parang familiar siya sa akin. Saan ko ba siya nakita? Hindi rin nagtagal lumingon din siya. At ang nakakapagtaka, gulat na gulat siya nang makita ako.

"Anong problema ng batang 'to? Ngayon lang nakakita ng maganda? Tsk. Kawawang bata" bulong ko sa sarili ko. Maglalakad na sana ako kaso bigla siyang sumigaw

"Hey Miss!" lumingon ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Lumakad siya palapit sa akin.

"You!" turo niya sa akin

"Me? Bakit anong problema? Wala akong ginagawa sa'yo ha. Baka pinagbibintangan mo ako, hindi ako marunong magkorean girl"

Sa Mundo Ng Ating Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon