Ang mga Pilipino ay likhang mahahaba ang pasensya. Oo tama! Kaya papatunayan ko sa mga lalaking ito na totoo ang kasabihan na yan.
Tumigil lang sa pagtawa ang dalawang kasama niya noong batukan ito ng lalaking nasa gitna. Sa tingin ko siya ang leader na nagsabi ng kwak kwak. Charot lang !
Seryoso din akong tinitigan nung leader nila. Masama. Nakakatakot.
Ok. Sabi ko nga di ako lalaban.
Aalis na nga lang ako.
Magpapaalam na sana ako nung bigla siyang nagsalita ng hindi ko maintindihan.
Kaya naman eto ako ngayon, clueless sa sinasabi niya. Napansin naman agad niya yun kaya tumigil din siya sa pagsasalita. Muli niya akong tinitigan. Lumaban ako sa titig niya. Matalim ko ding tinitigan ang singkit niyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit hinihila ako ng kung ano na tumingin sa ibaba ng mata niya na dumaan sa matangos niyang ilong hanggang sa .... madapo ang titig ko sa ..... sa mapupula niyang labi. Ba't parang, parang ang ganda ng labi niya? Mas maganda pa sa akin. Parang malambot at....
"Who the hell are you?"
Aray bes na 'who the hell are you' ako!
Pinagpapantasyahan na nga kita tapos ganyan ka?! Nasira tuloy yung.... Yung ano!"I said who the hell are you?!" napatalon ako sa pagsigaw niya
"I-I'm ano. I'm Zera Ramirez. I was looking for my friend, Jaymie Dela Cruz".
Nagkatinginan silang tatlo pagkatapos kong magpakilala at sinabi ang pakay ko dito.
"You're not a Korean?" tanong niya
"Mukha ba? Ang laki kaya ng mata ko!"
Yung mga singkit niyang mata kanina ay mas lalong sumingkit at alam ko na hindi niya naintindihan ang sinabi ko."I mean, No. I'm not Korean"
"Then where are you from?"
"Boy Abunda? Is that you?" Kumunot ang noo niya ganun ding ang dalawang kasama niya. Ok namumuro na ako baka mamaya niyan masuntok ako nito.
"He he. I'm just kidding" nag-peace sign pa ako sa kanila.
Nagsimulang magsalita yung lalaking matangkad na kasama ni leader pero hindi ko talaga maintindihan.
Anak ng teteng! Sabi ng hindi nga ako Korean kaya hindi ako makaintindi ng salita nila. Mahirap ba intindihin yon?Muli siyang tinitigan ni Leader at tumahimik. Natakot ata.
"Jaymie Dela Cruz?" Tanong niya
"Ah! Yes! Do you know her?"
"Maybe. Follow me" sabi niya
Bago pa kami umalis ay nagreklamo muna yung isang matangkad pero wala siyang nagawa dahil binatukan siya ng leader nila. Yung isang maliit naman ay tahimik lang at kanina pa ako tinititigan. Napansin ko yun nung binanggit ko ang pangalan ni Jaymie kanina. Simula nun palagi ko siyang nakikitang tumitingin sa akin. Siguro nga kilala nila talaga si Jaymie.
