Chapter 3

63 5 0
                                    




Gabi na nang umuwi kami nila Ate. Pumunta kami sa sinasabi nilang sikat na mall sa Seoul. Nakita ko pa nga yung bida sa The Innocent Man na si Song Joong Ki. Gusto ko sana magpa-picture kaso madaming tao. Binilhan din kami ni Oppa Carl ng mga damit na uso dito. Kumain kami ng sikat na pagkain nila na halos mailuwa ko dahil hindi ko gusto ang lasa. Ewan ko ba, naninibago lang siguro muna ako. Masasanay din ako dito.

Agad akong pumasok sa kwarto para makatulog.
Kaso ilang oras na ang nakalipas hindi padin ako makatulog. Nagpagulong-gulong na nga ako sa malaki kong kama waepek pa din.

Napatingin ako sa puting kisame

Parang dati rati kada tingin ko sa kisame namin asahan mong may butiking nakangiti sayo. Dito, wala.

Namimiss ko na si Liza! Yun nga pala pangalan ng butiki namin. Pinaikli ko lang sa lizard.

Kamusta na kaya siya? Siguro nalulungkot siya dahil wala kami ni Ate sa kwarto.

Wala na tuloy yung butiki na bigla bigla na lang nalalaglag sa mukha ko kapag natutulog ako. Hahahahaha naalala ko tuloy yung muntikan na siyang pumasok sa bibig ko kase tawa ako ng tawa sa pinagkukwentuhan namin ni Ate. Buti na lang nasara ko agad!

Leshe pati pala kaibigan ko ganun din nangyari sa kanya nung nasa kwarto ko siya na hanggang ngayon takot pa din siya sa butiki! Hahahaha kawawang Jaymie!

Teka!

"Si Jaymie!" Agad akong napabalikwas ng tayo mula sa pagkakahiga. Oo nga pala si Jaymie yung kaibigan kong takot sa butiki na nandito sa Korea ngayon!

Classmate ko siya noong first year highschool ako kaso lumipad siya pa-korea dahil kinuha siya ng Papa niya na nagtatrabaho dito. Wala na kase siyang Mama at nakikitira na lang sa bahay ng Tita niya sa Pilipinas.

Kinuha ko ang laptop na dala ko dito at agad nag online. Sa wakas online din sya!

Me: Hi Jaymie

After a seconds....

J: Hello Zera. How are u?

Me: I'm good. Gosh I miss u Jaymie

J: Iiyak na ba ako? Natouch ako eh. Hahaha Miss mo na ako? Tara punta ka dito hehe

Me: Ok sabi mo eh. Bukas? Saan ba bahay niyo?

J: Hala siya kala mo talaga makakapunta dito eh. Wag ako oy iba na lang

Me: Hoy loka di ako nagbibiro

J: Sus. Miss mo lang ako eh

Me: Baliw nandito nga ako ngayon!

J: Lol

Me: Lol ka din. Eto picture namin oh

Sinend ko sa kanya yung picture namin kanina nila Ate habang naggagala kami. Ayan edi naniwala din siya.

Tumagal ang usapan namin mahigit dalawang oras at napagdesisyunan naming magkita kahit pa may pasok sila sa school bukas. Okay lang naman daw kaseng pumasok ako dun kase kilala DAW siya sa school nila. Tsk. Nakakamiss din yung kakapalan nung babaeng yun eh.

Maaga akong gumising para ipagluto si Ate ng almusal. Ngayon kase ang unang araw niya sa trabaho.

"Good morning" bati ko kay Ate na halos nakapikit pa

"Morning" balik na bati niya ng hindi tumingin sa akin bago nagtungong Cr.

Agad kong inayos ang mesa para ipaghain si Ate.

Sa Mundo Ng Ating Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon