Matapos naming maligo ay agad kaming nagluto ni SaeRon para sa hapunan. Siyempre siya ang nagluto at tumutulong lang ako. Tinawag na din naman namin sila pagkatapos naming maghain sa mesa ng pagkain.
"Kamusta ang pagtira dito sa bahay nila YoungJae, Zera?" tanong ni SeungHeon na may halong pang-aasar.
"Wala pa nga eh. Isang araw pa lang ako dito."
"Kamusta nga yung isang araw mo dito?"
"O-Okay lang naman... Teka, ang astig niyo talagang pakinggan magtagalog! Ang gagaling niyo pa din kahit ilang taon na kayong wala sa Pilipinas."
"Siyempre, mas masayang mag-usap ng tagalog ang gamit." sabat naman ni MinSeok.
Madami kaming usapan habang kumakain pero si YoungJae ay nananatiling tahimik.
Problema nito??
*DingDong!* *DingDong!*
Doorbell yan :D
"May inaasahan ka bang bisita Oppa?" tanong ni SaeRon sa kapatid. Umiling naman si YoungJae kay SaeRon na nagtataka ang hitsura.
*DingDong!* *DingDong!*
"Teka lang puntahan ko na, mukhang atat e." tumayo na si SaeRon para malaman kung sino ang bisita pero matagal bago siya bumalik kaya't tumayo na din si YoungJae para sundan ang kapatid ngunit biglang dumating si SaeRon na parang hinihingal pa.
Tumingin siya sa akin na halata mong may pag-aalala...
"Unnie." sambit niya kaya tumayo na ako at pumunta sa sala. Doon ko naabutan si Ate na nakaupo sa sofa kasama si Oppa Carl na alam kong pinapakalma si Ate.
"A-Ate..." sambit ko kaya napaangat ang tingin sa akin ni Ate at agad siyang tumayo ganun din si Oppa Carl.
Naramdaman ko ding dumating sila YoungJae at iba pa sa likod ko...
"Sino sila?" takang tanong ni Ate kaya't tumingin ako sa likod ko at nakita kong kalmadong nakatingin lang si YoungJae kay Ate.
"M-Mga kaibigan... ko---"
"Kelan ka pa natutong pagsinungalingan ako Zera?!" gigil na tanong ni Ate habang nakatitig sa akin.
"K-Kase ate... Bawal daw kila Jaymie kase aalis sila ng isang linggo."
"Kaya ba kinapalan mo ang mukha mo at dito ka nakituloy ha?! Kaya nga kita tinawagan para kamustahin ka kung pumayag ba siya diba? Edi sana sinabi mo na lang sa akin agad para pinayagan na lang kita mag-isa sa bahay! Jusko naman Zera Hope!" galit na talagang sabi niya at napasapo pa siya sa kanyang noo.