Chapter 15

23 2 0
                                    



Maaga akong nagising dahil sa isang panaginip. Naulit na naman ang panaginip na iyon. Ang panaginip ko noong nasa eroplano ako.

Anong ibig sabihin nun?

Meron ba talagang ibig sabihin 'yon?

Ang creepy ng story na yun. Nakakatakot ang umpisa, tapos ang sweet ng gitna. Pero pinatunayan sa akin ng panaginip na iyon na walang forever. Wala ding nangyari sa huli, hindi rin sila ang nagkatuluyan. Sayang naman.

*Tok tok tok!*

Iniluwa ng aking pinto si Ate.

"Zera I'm sorry, kailangan kong umalis kaagad" sabi niya at lumapit sa akin

"Okay lang ate, ako na bahala sa bahay. Pumasok ka na" sabi ko sa kanya

"Hindi. Aalis ko for 3 days"

"Huh? Bakit? Saan ka pupunta?"

"May team building kasi kami ng company. Out of town. Para din sa mga bagong katrabaho nila. Ang bait kasi ni Boss" kinikilig pa niyang sabi

"Siguro naman kasama mo si Oppa Carl?" Kay Oppa Carl lang ako boto, dahil mukhang crush ni ate ang boss niya. Nakwento niya kasi na halos kasing edad lang daw nila ang boss nila at pogi pa.

"Syempre kasama din siya. Kaya nga aalis na ako dahil nakapag-impake na ako."

"Ano? As in now na? This morning?"

"Oo. Gusto ko sana dun ka muna kila Jaymie tumira for 3 days. Wala ka kasing kasama dito baka kung anong mangyari sa'yo. Bigyan na lang kita ng money." Naglabas siya ng pera sa kanyang wallet at ibinigay sa akin. "Aalis na ako at nagmamadali na ako. Ayokong malate. So, mag-iingat ka ha. Tumawag ka sa akin kapag pumayag si Jaymie. Bye ingat ka. I love you" sabay halik sa pisngi ko.

Hinatid ko siya nang dumating na ang sasakyan na susundo sa kanya.

Bumalik ako sa loob at nagcr.

Sa Mundo Ng Ating Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon