Pumasok ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan
Pumasok ako sa isang lugar na wala akong makitang liwanag o kulay man lang
Wala akong dala na kahit ano para magsilbing liwanag sa daan
Wala akong dala na kahit ano kundi ang sarili ko lang
Iginala ko ang aking mga mata
Halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa
Sa takot na may mangyari sa aking masamaPigil ang aking paghinga, at ang mga tuhod ko ay nanghihina
Parang may mga kamay na nakapulupot sa aking leeg gayong wala naman akong nakikitaGusto kong sumigaw pero parang sa lalamunan ko ay may nakabara
Gusto kong manlaban pero para akong binuhusan ng isang baldeng yelo para manigas sa kinatatayuan koIsang basang bagay ang tumulo mula sa aking mata.
Luha.
Yan ang bagay na hindi ko nagawang ilabas noong nasa mundo pa ako ng liwanag.
Buong buhay ko ay naging matapang ako pero kadiliman lang pala ang siyang kahinaan ko.Tuloy tuloy ang pagpatak nito na animo'y nag-uunahan sa pagtakbo
Tanging paghikbi at mga patak ng luha sa sahig ang maririnig
Sa isang lugar na hindi ko alam kung paano ako nakarating, at kung paano ako makakaalis.Sa unang pagkakataon sa lugar na iyon ay may nakita akong matang matalim ang tingin sa akin
Hindi ko alam kung mabubuhayan ako ng loob o mas lalong matakot
Dahil ang matang nakatitig sa akin ngayon ay titig na hindi nagsasabing tutulungan ako dahil pula ang mga ito at kung aakalain mo ay sasabog.
Sasabog sa galit.
Dahil punong-puno ito ng poot, hinanakit, at sakit."Sino ka?" Sa wakas ay nagawa kong bigkasin ang salitang kanina ko pa gustong ibato
Nakita ko ang pag ngisi at unti unting paglapit mo
Unti-unti kong naaninag ang iyong mukha
Mukha na ngayon ko lang nakita"Tulungan mo ako" yan ang saad o pakiusap ko sayo
Pero nagulat ako noong bigla mo akong hinawakan sa leeg. Mahigpit.
Kitang kita ko ang nag-aapoy mong mga mata
Halos maubo ako sa pagsakal mo sa akin"Mahina" salitang lumabas sa bibig mo
Unti-unti mong niluwagan ang pagkakahawak mo
Tinalikuran mo ako at tanging nakikita ko lang ay ang makisig at malapad mong likuranNapaupo ako sa sahig at hinahabol ang aking paghinga
Narinig ko ang mga yabag ng paa mong papalayo sa akin"Wag mo akong iwan sa madilim na lugar na ito. Pakiusap"
Ngunit hindi mo ako pinakinggan
Muling tumulo ang luha ko na nagdulot ng ingay
Dahilan para lingunin mo ako
Matagal mo akong tinitigan
Nanlabo ang paningin ko at tuluyang kinain na ng kadiliman.
Kadiliman, na sa tingin ko ay pag-aari mo.Nang maimulat ko ang aking mata, mukha mo agad ang aking nakita
Pero may nagbago
Ang kaninang mga pulang mata na nag-aalab sa galit, ngayon ay isang kulay abong mga mata na humupa na ang galit.Nagulat ako sa paghaplos mo sa mukha ko
Paghaplos na ramdam ko ang pag-aalaga't pagmamahal mo
Sa kauna-unahang pagkakataon ay napangiti ako sa madilim na lugar na kinatatayuan ko
Sumilay sa iyong mukha ang kasiyahan at ngumiti sa akin
Inalalayan mo akong tumayo"Dahil sayo makakaalis na ako sa lugar na ito" sabi mo at hinawakan ang kamay ko
Hindi ko alam pero ramdam ko ang isang boltaheng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko noong hinawakan mo ang kamay ko
Hinila mo ako patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan patutungo
