Chapter 6

42 5 0
                                    


Nakarating kami sa labas ng room nila at napansin kong nanginginig ang kamay niya na mamasa-masa pa habang hawak ang kamay ko.

"Ano bang nangyayari sa'yo Jaymie?"

"Ikaw ang dapat tanungin ko" kumunot ang aking noo sa sinabi niya. "Bakit mo sinabihan ng ganun si YoungJae sa harap niya? Hindi lang yun, sa harap pa mismo ng mga kaklase namin."

Kung alam mo lang Jaymie kung bakit ko nasabi yun.

"Bakit? Naintindihan ba nila yung sinabi ko? English yun diba?"




"Yun na nga eh kahit hindi man maintindihan ng mga kaklase ko yun, naiintindihan naman yun nilang tatlo! They can understand English"

Alam ko. Nakausap ko pa nga sila kanina


"Ako ang kinakabahan sa iyo, baka may kung anong mangyaring masama sayo. Hindi naman kase basta basta yung sinabihan mo" pinunasan pa ni Jaymie ang Noo niya na akala mo may pawis pero wala naman


Wala na Jaymie. May ginawa na siya sa akin

Dapat pa ba niyang malaman ang nangyari kanina?



"Bakit ba sila ang iniintindi mo? Hello andito po kaya ako ilang taon mo ding hindi nakita tapos ganyan ka pa sakin?"

Hindi muna siguro.


"Oo nga pala! My gosh miss na miss kita! Iba padin ang mga kaibigan sa Pilipinas!" niyakap ako ni Jaymie at nakita kong nasa pintuan ang tatlong ungas na nakatitig sa amin. Nang-aasar ba kayo? Pwes, nakakaasar!

Bumili kami ng pagkain at dinala ako ni Jaymie sa tambayan nila pero malapit lang naman sa building nila para hindi na din siya mahirapang bumalik.


"Kumain ka lang ng kumain. Diba tatlong buwan din kayo dito?"

"Sige, sasanayin ko na lang kumain ng mga hilaw na pagkain"

Sa Mundo Ng Ating Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon