Featured by: Alynie Salvacion
Under editing po ang book na ito. Kung nakaka-experience kayo ng error content sa bawat chapters, remove nio lang itong Runaway sa Library nio tapos add nio ulit. Iyon lang po, salamat..
_eiliehan
°°°
Enjoy 💖
.
.
.
.
.
.
.
.°°°
Sa buhay natin, may mga bagay tayong pinapangarap at gustong marating. Sino bang hindi?..
Lahat gagawin natin para matupad ito. Kalimutan man natin ang lahat, may masaktan man tayo, may maiwan na mahal natin sa buhay o kahit sarili pa nating kaligayahan pilit nating iiwasan.
Di man natin kayang matugunan ang mga pangarap natin, ipupush parin natin para lang makamit ito.
Ngutin paano kung ang pinapangarap natin, biglang magbago. Tapos sobrang taliwas sa original nating plano? Anong pipiliin natin? Yung una nating pinangarap o yung biglang pinangarap mo na lang ng hindi inaasahan?
Ganto kagulo ang kwento ko. Kung bakit, just check it out and know the real story behind :)
.
.
.My pov
Hello :)
Let me introduce myself first.
I'm Alynie Salvacion, 21.
Isang hopeless romantic na writer ng isang sikat na magazine dito sa Pilipinas.Ang "The Runway"...
Isa itong magazine about fashion, lovelife at syempre ang mabenta sa mata ng mga readers, ang "celebrity's page". May article kase dito na about sa mga pinapantasya ng mga kababaihan sa ngaun. Iyon bang mga uri ng lalaki na bihira mong makita sa araw-araw. I mean, iyon bang may mga photos ng iba't ibang uri ng lalaki na talagang pagpapantasyahan mo.
Ano ba yan? Paulit-ulit.
Eh kase naman ang ibig kong sabihin, iyon bang may cute, may talagang pogi, may pamacho at syempre, may nasushoot ding mga hubad na lalaki.
Na may ABS :) omg :)
At sa part ng page ng mga lalaking ito, kasama ang kwento ng buhay nila at kung ano ang mga gusto nila sa babae ay ang syang favorite spot ko.
Ginagalingan ko masiado para maglaway ang mga readers. Kaya ang mga girls na bumibili ng magazines namin, kandarapa at kilig na kilig. Mga uto uto.
Ah basta.
Magazine ito na pambabae. At ako, all around ako. Pwede akong magsulat about sa fashion. Pwede din akong maghandle ng pictorials para sa photoshoot ng mga lalaking may mga hubad na katawan (na favorite spot ko talaga). At pwede din akong mag-interview ng kung sino mang celebrities or ordinaryong tao para sa kwento ng buhay nila (na pinakaaayaw ko naman dahil syempre, wala akong lovelife).
Napakagulo ko talaga. Di ko alam kung against ba ako or papabor sa pagpa- fantasize ng mga babaeng nangangarap magkaroon ng perfect na lalaki para sa kanila. Like, hello? Walang ganon.
At ewan ko ba din kung bakit napakalakas ko sa management. Isang milagro kung bakit ako napasok dito.
Haaaaaay tamana nga yan. Basta, yan ang trabaho ko.
Ang magsulat.
Isa pang masaklap, wala akong lovelife. Almost 5 years na. Masegway naman tayo sa buhay pag-ibig ko.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Mystery / ThrillerDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"