Gab's pov
Hindi ako lumayo sa bar na yon after naming mag-asaran ni Clyde dahil alam kong ano mang oras ay makikita din sia ni Alynie. Lasing na ang Clyde na ito at hindi marunong mag-alaga ng lasing si Aly. Maaari ring baka dahil sa galit ni Aly ay samantalahin nia ang kalasingan ni Clyde at mapatay nia ito(na muka namang hindi nia magagawa dahil hindi naman sia bayolente). O, maaari ding dahil sa lasing ang Clyde na yon, at sa pagiging kupal nia, baka samantalahin nia si Aly.
Sa kabila ng mga biro ko kay Aly na pagpush ditong ituloy ang plano, hindi ko parin mahahayaang may gawing di tama si Tan dito.
Napapraning ako...
Madaming tumatakbo sa isip ko. Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko nga si Aly na pumasok sa bar. Nakapwesto lang ako sa may labas na sa palagay ko ay hindi naman ako mapapansin ni Aly. Nakatayo lang sia habang nakikipag-usap kay Clyde. Madali lang ang naging pag-uusap na iyon. Maya maya pa ay tumayo na si Clyde na mukang nawawala sa balanse. Lasing na nga talaga. Kasunod lang nia si Aly na mukang kabado. Sinundan ko sila. Mukang papunta sila sa may malapit na hot spring pool.
Pinagmamasdan ni Aly ang paghuhubad ni Clyde. Mukang naestatwa ito at hindi makakilos. Parang tulala na di mo mawari. Lumusong si Clyde sa tubig. Sa una ay nakakapit pa sia sa gilid ng pool. Ngunit maya maya lang, unti-unti na itong lumulubog.
Doon lang ata natauhan si Aly.
"Clyde? Clyde!!!"
Rinig ko pang tawag nia rito na parang hindi alam ang unang dapat gawin. Dali-dali itong nagtanggal ng bag at naghubad ng coat at basta na lang inihagis sa kung saan. Nang maihubad naman nia ang sandals nito ay tinalon na nia ang tubig. Hindi ito marunong lumangoy at muka namang mababaw lang ang tubig.
Ngunit dahil sa plano nitong pagsasagip kay Clyde na mas mabigat pa kay Aly, baka parehas silang malunod. Mukang nakatulog na nga ng tuluyan si Clyde sa tubig.
Di na ko nagdalwang isip. Nagtawag ako ng dalwang staff ng resort at pinalusong ko sa tubig para kunin di Clyde. Habang ako, pagkahubad ko ng sando ko ay tumalon narin ako para iahon si Alynie.
.
.
Alynie's pov
"Gab!"
Masiadong mabilis ang mga pangyayare, naiahon ako ni Gab na bigla na lamang sumulpot sa kung saan pagkatapos kong lundagin si Clyde sa tubig. Nakita ko na lang na may dalwang lalaki na nagbuhat kay Clyde palayo samin.
"Aly, ok ka lang?" Tanong sakin ni Gab. Inabutan nia ako ng tuyong towel.
"Yeah, yeah. I'm fine. Sino yung mga kunuha kay Clyde?."
"Staff dito" Nakita kong dinadampot na ni Gab ang mga gamit ko.
"Saan ka nanggaling? Buti nakita mo kami dito." Lumapit sia sakin, hinawakan ang kamay ko at isinama na nia ako palayo sa spot na yon.
"Diba nga sabi ko gusto kong mapanuod yung fire dance. Sinilip ko lang. Eh di pa pala nagsisimula. Pabalik na sana ako ng mapansin kita dito" Habang naglalakad kami, nilingon nia ako ng nakangiti.
"Pero sa ngaun, palagay ko, start na ng fire dance."
"Talaga?"
"Oo at dun tayo pupunta."
Napangiti narin ako. Kailangang mag light ang ambiance. masiado kaseng katensyon-tensyon ung nangyare sa tubig kanina.
Grabe talaga tong si Gab kahit kelan talaga lagi akong inililigtas. Pano kung hindi sia dumating, Eh di namatay akong di man lang nakakaganti sa Clyde na yon at baka parehas na kaming paglalamayan ni Clyde.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Misterio / SuspensoDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"