Danica's pov
Excited na kong makatapak sa white sand ng Boracay. Not because it's my first time; Actually, maraming beses na kong nagpapabalik balik dito for vacation, but its to see Jude; and Aly also. Miss ko na ang best friend ko. Tapos nandito pa si Jude. 4 months nawala si Jude. Hindi ko man lang ma-trace kung saan ito napadpad. Ayon sa source ko, umalis ito ng Pilipinas pero ewan ba kung bakit hindi matukoy kung saan ito napunta. Marami itong lakad na lihim talaga masiado. Syempre, may ari ng airline si dad at marami kaming koneksyon para sumagap ng mga information tungkol sa mga lumalabas at bumabalik ng bansa. Bilang isang Mercado, madali kong napagalamang bumalik na nga si Jude dito sa Pilipinas. So from London, minadali ko na ang pagbalik dito. Kinulit ko ng kinulit si daddy na gusto ko munang makasama si kuya to talk about our businesses. Pero syempre kunyari lang yon. Feeling ko lang din na si kuya ang pupuntahan ni Jude kaya pina-trace ko rin kung saan ang ticket na pupuntahan nito na papunta nga sa Boracay. So sigurado akong nandun si kuya at doon sia sa hotel nia tutuloy. And then, boom. I am right. Tumawag ako sa front desk kung nandun nga si kuya Gab and to my surprise, kasama pa nia si Aly. Naexcite ako lalo. Feeling ko mag-on na sila. Naku sana nga. Sobrang gusto kong maging girlfriend ni kuya si Aly. Una dahil kilala ko na sia at bestfriend ko pa nga, pangalwa ay dahil doon sa taong sobrang kinamumuhian ko. Kung sino man yon, abangan nio na lang :) hehe...
Wait!!! Mabalik tayo kay Jude. Bakit ko nga ba sia minamatyagan? Syempre, sia ang dream boy ko. Mahal na mahal ko yon sobra. Jude was my saviour. kaso, ang nakakabwisit lang dito, sobrang babaero. Lahat ng magagandang makikita nia, ginugusto. Pero pagdating sakin, snob. Eh di hamak namang mas maganda ako at mas sexy kesa mga mababaeng pinapatulan nia ah. Mailap sia masiado pagdating sakin. Pero di ako sumusuko. Napakagulo niang si Jude. Sometimes, I feel na sobra yung care nia sakin pero mas madalas, wala siang pakialam. Magulo noh? One time, maiintindihan nio rin kung bakit. Saka ko na lang ikukwento. Makapaghihintay tayo para sa flashbacks ko :) O ano? Excited na kayo???
Si Kuya at si Jude, lagi silang magkadikit. Pag magkasama sila, lagi silang nililingon ng mga babae. Kaso si kuya sobrang ilap. Siguro dahil si Aly ang gusto nito. Na di naman mareveal or maamin kase laging nababrotherzone ni Aly. Kaya etong si Jude, sia yung tagasalo ng lahat na narereject ni kuya. Pero totoo talaga, gwapo sila. Pwede na nga silang gumanap na Superman eh kase sobrang gwapo at macho nila. And yes! Si Jude ang acting Superman ng buhay ko.
Ah tamana ang papuri. Malapit na ko sa suites namin.
Heto na nga, nagpunta na ko sa front desk para alamin kung saang room naka check in sina kuya.
"Good morning Ms. Mercado." Kilala na ko ng mga receptions dito. Syempre, pag bumibisita ako dito, dito sa hotel ni kuya ako tumutuloy.
"Kuya Gab's room number please."
"In room 301 ma'am."
"Did Jude Areola came in to ask para sa room number ni kuya?"
"He came ma'am, and he booked a room for two. Tinanong din nia ang room number ni Sir Gabriel."
Nangiti ako. Ano ba 'to anlandi ng utak ko. Room for two daw. Pero syempre, baka magsama na lang sila ni kuya. Asa pa ko na kami yung magsasama sa kwarto dahil dalwa kaming bagong dating. Saka wala siang alam na pupunta ako dito pwera sinabi ni kuya. Nabago ang timpla ng muka ko. Nagsabi na lang ako ng thank you sa receptionist bago tuluyang pumunta sa kwarto nila kuya. So hindi pa dumarating si Jude. Mukang nauna pa ako.
Binigyan naman ako ng susi nung receptionist. Expected naraw yung pagdating ko dahil naitawag na ni kuya bago pa ako makarating dito.
Nang makapasok ako sa loob, kita kong nag-aayos si kuya ng pagkain na mukang inorder lang or maaring pagkain lang mismo nitong hotel. Wala si Alynie.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Детектив / ТриллерDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"