Gab's pov
Mahimbing na natutulog si Alynie. 5 minutes palang naming lumutang sa ere, nakatulog na agad sia. Pasaglit saglit kong sinisilip ang maganda niang muka. Nangingiti ako habang bumabalik sa alaala ko ang inosente niang muka years ago.
Flashbacks
First day sa school. Sabay kami ng kapatid kong si Danica na pumasok sa University na pinapasukan namin. Medyo napaaga ako dahil advanced ng isang klase si Dan bago pa magstart ang unang klase ko ng sa di kalayuan, may napansin akong isang weird na bagong estudyante na nagsasalita mag-isa habang nagtitiklop ng mga pusu-pusong papel. Tumayo ang babae. Hindi ito nakatingin sa dinaraanan habang nagtitiklop parin ng papel. Naglalakad ito sa gilid ng garden nang bigla itong matisod at matabig ang isang timbang may lamang tubig na nakapatong sa isang batong lamesa. natumba ang babae at natapon ang tubig sa ulo nia. Nalaglag ang salamin nito sa mata na mukang naapakan pa ata. Natawa ako saglit bago ko sia nilapitan. Saglit kong napagmasdan ang kanyang muka.
"Eto ba yung nakasalaming babaeng nakita ko?" tanong ko sa sarili ko.
Nabasa ang nagulo nitong buhok na nagloose sa pagkakatali. Basa rin ang muka. Napakaganda ng kanyang mata, matangos ang ilong at manipis ang labi. Sa isang salita, sobrang ganda nito. Kinakapa nia ang nahulog na salamin. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at bahagya akong lumuhod para mapunasan ang muka nia.
"Ok ka lang miss?" pinupunasan ko na ang noo nia. Mas maganda sia ng matitigan ko sia ng malapitan.
"Yung eye glasses ko."
Hindi ko sia natulungang makuha yung salamin nia dahil di maalis ang mata ko sa muka nia ng saglit pa ay nagsalita sia ng "hayun!"
Ngumiti pa sia.
Shit! Ang ganda nia. Tapos bigla niang sinuot ang basag niang salamit. Bigla akong tumawa. Balik sa pagka-weird. Iyong babaeng weird na nakita kong nagsasalitang mag-isa kanina.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Mystery / ThrillerDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"