Pagbukas ng pinto ng kwarto ko, si Tricia ang nakita ko. May dalang bowl ng soup.
"Good morning babe." Inilapag nia ang pagkain sa table na malapit sa kama ko.
"Babe I miss you."
Nilapitan nia ako at hinalikan sa labi. Parang wala ako sa mood na makita sia ngaun. Kaya di ako gumanti ng halik sa kanya. Hindi si Tricia ang gusto kong makita.
Para bang nanghinayang ako na hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos nung babae na kasama ko sa pool kagabi.
Sya.
Sya ang gusto kong makita sa pagmulat ng mga mata ko. Kaso paggising ko, hindi na sia ang nakita ko.
Masiado akong naglasing sa pagkabwisit the last time I saw Gabriel. Di ko planong ubusin yung alak. Pero namalayan ko na lang na naubos ko na. Saka naman sumulpot yung reporter na yon. Reporter nga ba yon? Ano ngang kailangan non sakin?
"Masakit ang ulo ko. Kelan ka pa dumating?"
"Ah, siguro, 7 am yon. Hey, eat this. The guard told me na lasing ka nga daw kagabi. Eto na nga ako oh, nagmadali na ko para makahabol sayo dito."
"Ah ganon ba?" Kinain ko na ang dala nia.
"Swimming tayo babe. Its been a long time since I went here."
"Later."
Parang ewan talaga, iba talaga timpla ng mood ko ngaun.
Gusto ko ulit makita ung babaeng lumapit sakin kagabi. Parang may iba. Parang nakita ko na sia before. Pero di ko maalala kung saan ba.
Basta hahanapin ko sia...
.
.
.
Aly's pov
Di ako masiadong nakatulog kagabi. Dalwang bagay ang dahilan. Una, ung kapalpakan ng unang pagkikita namin ni Clyde. Pangalwa ay ung sa dagat, kami ni Gab. Tapos dagdag pa ung sitwasyon ko ngaun. Parang may iba kay Gab. Di ko maipaliwanag.
At hulaan nio kung asan ako ngaun?
Asan ako?
Heto, asa kwarto ni Gab. Kagigising ko lang. Nakadagan ang mabigat na braso nia sa tyan ko. Laking lalaki kase. Ansakit tuloy ng katawan ko. Feeling ko masiado akong nabugbog dahil sa mga pangyayare kagabi. Ambigat kase ni Gab.
Bakit???
Ganto ang nangyare.
Flashback
"Aly, maupo ka jan."
Inuutusan lang naman ako ni Gab na maupo sa tapat nia. nakaupo kami sa sahig. Well may carpet naman. Tapos may maliit na lamesa sa pagitan namin. Indian sit ung istura namin. Magkaharap kami.
Katatapos lang naming magpalit nun ng basang damit dahil nga naligo kami sa dagat.
Tumayo sia saglit at may kinuha sa cabinet, dun sa may kusina. Pagbalik, oh shit, may bitbit na siang vodka at isang baso.
Isang baso, meaning, mukang sia lang ang iinom. Hay buti naman.
Ano bang meron ngaun at lasenggero ang mga tao
"Oy Gab, ano namang klaseng pakulo ito? Kung mag-iinom ka lang pala jan, mabuti pa matulog na ko."

YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Misterio / SuspensoDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"