Chapter 13: Co-incidence

15 3 0
                                    

Jude's pov

Patuloy parin ako sa pagkalap ng mga impormasyon kung saan nagtatago si Simon Lim. Sa init ng ulo ni Gab, napagbuhusan nia ng galit ang baby ghie ko (Lamborghini Sportscar). Lanyang Gab yon. Tinopak at pinaghahampas ang salamin ng kotse ko nung gabing nakatakas si Lim. May kotse naman sia, bakit di pa yon ang binugbog nia. Kawawa naman itong baby ko. 10 million na nagagastos ko dito sa pagku-customize para lang magmuka itong astig dahil ito ang paburito kong kotse, napagdistikahan pa.

Kaya nga heto ako, dala ko ang baby ko para maipaayos. Di na kinaya ng kamay ko eh. Buti nakahanap ako ng mga pamalit na pyesa na hindi biro sa presyo ang halaga.

Iniwan ko na ang kotse ko sa isang kakilala na gagawa. Inimbita ko dito sa vulcanizing shop ko para maretoke na ang baby ko. Hindi ko muna ito maaasikaso dahil tinututukan ko talaga ang paghahanap kay Simon Lim. Palabas na sana ako para sana maghanap ng mabibilhang sigarilyo ng sa di kalayuang coffeeshop ay may natanaw akong isang pamilyar na babae.

"Irish?"

Tila isang alaala ang muling nagbalik sa isip ko dahil sa pagkakita kong ito sa kanya.

Flashback

4 months akong nagstay sa Canada to visit my Mom. Depressed sia sa pagkamatay ni Dad kaya agad akong pinapunta ni Ate Camille para samahan si Mom doon. Di raw masiadong nasasamahan ni Ate si Mommy dahil sa mga business na naiwan ni Dad.

Gustong gusto na nila Mom at Ate na doon ako tumuloy ng pag-aaral. 3rd year college na ako ngaung pasukan at classmates kami ni Gab. Di pa naman siguro ako mahuhuli sa mga lessons kahit last week na ng June. Hassle ang lumipat sa Canada dahil sa klase ng curriculum para mag transfer pa doon ay napakahirap kaya hindi ako pumayag. Isa pang dahilan ay si Irish. 4 years ko rin siang niligawan at sa wakas ay napasagot ko rin ito. Ayaw ko siang maiwan.

Mag-iisang taon na ang aming relasyon at pinaplano kong sa araw ng pag-uwi ko which is our anniversary day ay i-surprise sia.

Runaway (Under Editing)Where stories live. Discover now