Danica's pov
We're on our way going back to Manila. Sakay nitong Helicopter ni Kuya na pinangalanan niang "Dark". Weird right? San kaya nia nahagilap yang pangalang yan eh kulay gray itong Helicopter nia? Silly.
Maghahapon na ng makaalis kami. Eto kaseng si Jude, nag-inarte pa. May pinuntahan daw. Hindi daw maaring hindi mapuntahan. For sure, si bikini girl lang yon, geez! Pag nakita ko yong babaeng yon, bubudbudan ko ng asin. Malanding bulate. Di maganda ang kutob sa bikini girl na yon.
Si Kuya ang nagpapalipad nitong Helicopter katabi si Alynie na tahimik lang na nagmamasid sa mga ulap. Tahimik nga ba talaga or, tulala. Mukang lutang sa pag-iisip.
Habang itong si Jude ay tulog dito sa tabi ko. Na mukang lasing. Aba! Bagsak ang lolo mo! Kanina ko pa ngang pinipitik yung ilong but no response. Hmh! Isang madilim na balak ang bumabalot sa aking malikot na pag-iisip. Mapagtripan nga kaya ito.
Nagkalkal ako sa aking bag. Gotcha! May nakuha akong pen. Hehe, so eto na nga. Sinimulan ko ng gawin ang aking masterpiece. Buti na lang magaling akong magdrawing. Artist kaya ako. Guhit dito, shades dito, tuldok doon and blah blah blah. Di pa ko nakuntento. Wait! Kumuha din ako ng lipstick at pininturan ko ang malanding nguso ng Jude na ito na kung kani-kaninong haliparot na babae na lang humahalik.
Ilang saglit pa and then, "tyaaaadah" natapos ko na ang aking likha. But wait! There's more. Kinuha ko ang aking cellphone at pinicturan ang cute kong artwork. Mhuwahahaha! (evil laughs) syempre sa utak lang yan. Baka marinig ako nina Kuya, di pa maisakatuparan ang mas pagpapafamous ko sa malanding Herodes na ito. I uploaded his picture on my facebook page then, I shared it to our friends. Hah! Ano ka ngaun Jude! Trending ka na mamya!
Ng matapos ko na ang aking pantitrip, heto at sitting pretty na ako habang maluwalhating naghihintay na makarating sa aming bahay na mahigit isang taon ko ng namimiss mula ng mapatapon ako sa London.
****
"Jude! Kelan ka pa naging aso? Ay pusa pala. Ay hindi, panda! Oo, panda!"
"Pare! Anong nangyare sayo?"
Ako? -> "Ha-ha-ha-ha" hindi ko maawat ang pagtawa ko sa reaksyon nina Kuya at Alynie. Sa wakas nagsalita din tong dalwang 'to. Kanina pa kasing tahimik eh. Pati sila ay tumatawa narin.
"Why? Anong pinagsasasabi nio?"
Naguguluhan sia sa malulutong naming pagtawa. Nakababa na kami ng Helicopter. Sinalubong kami ng isa naming piloto para kunin at maibalik na yung helicopter ni Kuya. Lumapit si Jude sa may katabing kotse dahil parang nakaramdam itong muka nia yung pinagtatawanan namin.
Pagharap nia samin, dumilim ang aura ng malanding Jude na ito. Para bang nagets na nia kung sino ang may kagagawan.
.
.Jude's pov
Langya naman oh. Pinaglaruan ang gwapo kong muka. Nakaharap ako ngaun sa side mirror ng isang kotseng nilapitan ko. Parang puputok ang sintido ko sa nakikita ko. Punong puno ng guhit ang poging pogi kong muka. Sobrang kapal pa ng pulang lipstick nitong kissable kong labi at nagmumuka akong payaso. Nagmuka akong asong pusa na parang payaso dahil sa drawing na itim sa palibot ng mata ko. Muka pa ngang panda na di mo mawari kung ano. Sa madaling sabi, nakakabwisit itong itsura ko. At alam na alam ko kung sino ang may kagagawan.
Humarap ako don sa tatlo na kanina pang nagtatawa sakin. Sinamaan ko ng tingin si Danica na malamang, sia ang may kagagawan.
Lumapit ako sa kanya at-
****
.
.Danica's pov
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Mystery / ThrillerDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"